Lumbera
LUMBERA (Abril 11, 1932 - Setyembre 28, 2021) payak ang puntod ng Pambansang Alagad ng Sining umalis siyang puso'y nag-aalab ng magiting sa masang pinaglingkuran niyang buong taimtim may apat akong aklat niyang sa akin nanggising sapagkat siya't tunay na makata't makabayan ang kanyang mga akda nga'y aking pinag-ipunan ang una kong libro niya'y tungkol sa panulaan tuwa ko nang siya'y nakadaupang palad minsan minsan lamang, isang beses, di na iyon naulit subalit akda niya'y binabasa kong malimit hinggil sa pelikula, tula, masang nagigipit ang hustisyang panlipunang di dapat ipagkait pagpupugay sa maestro, kay Sir Bien Lumbera simpleng ngiti, mapagkumbaba, lahad ay pag-asa sa ating panitikan, poetika, politika payak man ang puntod, sa bansa'y maraming pamana - gregoriovbituinjr. 09.28.2022 * Ang litrato ng puntod ay mula sa fb page ng Sentro Lumbera * Ang una kong aklat niya'y ang Tagalog Poetry 1570-1898 , ang tatlo pa'y ang Suri: Pag-arok sa Li