Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2024

Kwentong manananggal

Imahe
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon ay manananggal ako" napakapayak ng istorya ng nagmumultong manananggal  kaya pala namatay siya ay di nakita ang natanggal niyang kalahating katawan nang minsang sumikat ang araw wala na siyang nabalikan at siya'y tuluyang nalusaw sa komiks man ay patawa lang ni Mang Nilo na nagsalaysay kwento ng kaibang nilalang ngunit may lagim yaong taglay - gregoriovbituinjr. 11.04.2024 * komiks istrip mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 2, 2024, p.7

Himaton ay YOU at YOUR

Imahe
HIMATON AY YOU AT YOUR sa cryptogram na palaisipan YOU  at  YOUR  ang himaton ko o clue imbes  THE  o  THEM  ang kasagutan dahil sinilip ang angkop dito salamat sa dyaryo't may libangan at pinagkakaabalahan ko pag nagbabantay sa pagamutan kay misis na naopera rito kaysarap laruin ng cryptogram  na pampatalas ng ating ulo na talaga mong kagigiliwan pampatay-inip at ehersisyo - gregoriovbituinjr. 10.03.2024 * "When you change your thoughts, remember to also change your world." ~ Norman Vincent Peale * mula sa Philippine Star, Nobyembre 3, 2024, p.2

Makakalikasang supot ng botika

Imahe
MAKAKALIKASANG SUPOT NG BOTIKA bumili ako ng bitamina doon sa  Mercury Drug  kanina supot na papel nila'y kayganda at may tatak pang-ekolohiya magandang paalala sa atin upang mga itatapon natin plastik man iyon o papel man din ay sa maayos natin dadalhin Reduce, Reuse, Recycle  ang tatak paalala itong munti't payak na dapat namang maging palasak nang basura'y di magtambak-tambak salamat at may abisong ganyan na talagang pangkapaligiran na sana'y sundin ng mamamayan para rin sa ating kabutihan - gregoriovbituinjr. 11.03.2024

18,756 ang inabusong bata noong 2023

Imahe
18,756 ANG INABUSONG BATA NOONG 2023 Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Philippine Star na may petsang Nobyembre 2, 2024, may dalawang sulatin hinggil sa karapatan ng mga bata. Ang una, na nasa pahina 4, ay pinamagatang  "18,756 children's rights violations recorded in 2023 " at ang Editoryal na nasa pahina 8 ay may pamagat namang  "Protecting Children" . Narito ang apat na unang talata ng balita, na malaya nating isinalin sa wikang Filipino: "Over 18,000 reports of child violations have been documented in the country for 2023, a majority of which were cases of rape and acts of lasciviousness, the Council for the Welfare of Children (CWC) said yesterday. Based on the records of the Philippine National Police-Women and Children Protection Center, a total of 18,756 reports of child violation were logged for the year 2023. Of this number, 17,304 were “rape and acts of lasciviousness.” “Since 2016, these are the top violations committed agai

Sino si Norman Bethune?

Imahe
SINO SI NORMAN BETHUNE? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kasintunog ng apelyido kong Bituin ang Bethune (na binibigkas umano na silent e, tulad ng Betun). Nabasa ko noon ang buhay ni Norman Bethune bilang isang doktor na mula sa Canada. Nabanggit ang kanyang pangalan sa Limang Gintong Silahis o Five Golden Rays na sinulat ni Mao Zedong. Tungkol ito sa pagkilala kay Bethune nang mamatay siya, at binigyan ng luksang parangal. Isang doktor ng rebolusyong Tsino si Norman Bethune.  Tulad ng doktor na si Che Guevara, na isinalin ko ang kanyang akdang Rebolusyonaryong Medisina, pumasok sa utak ko si Norman Bethune. Nagsaliksik pa ako hinggil sa kanya, lalo na't naglingkod siya sa Partido Komunista ng Tsina bilang siruhano o surgeon. Dalawang doktor na naglingkod sa masa, na muling binabalikan ko ngayon, dahil na rin sa pagkakaratay ni misis sa ospital. Habang ako naman ay isang aktibistang nagrerebolusyon kasama ng uring manggagawa. Dalawa silang inspirasyon hinggil sa

Undas

Imahe
UNDAS inaalala ang mga patay  mga nawalang mahal sa buhay lalo na ang butihin kong tatay na ngayong taon nawalang tunay pagpanaw nila'y ginugunita nadarama ang pangungulila ipinagtitirik ng kandila sa sementeryo't sa bahay pa nga Itay, magkakasama na kayo nina Tatang, Lola, Tiya, Tiyo ngayong Undas po'y buong respeto nasa puso't diwa namin kayo sa inyo'y panalangin ang alay ng inyong mga mahal sa buhay na patuloy pa ring nagsisikhay nang kamtin ang pangarap na tunay - gregoriovbituinjr. 11.02.2024

Pambayad ko'y tula

Imahe
PAMBAYAD KO'Y TULA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nang ilunsad ang The Great Lean Run noong 2016, sabi ko sa mga organizer, wala akong pambayad kundi sampung tula. Dahil doon, pinayagan nila akong makasali at makatakbo sa The Great Lean Run. Matapos ang isang taon, sa nasabing aktibidad noong 2017, nailathala ko na ang mga iyon bilang munting aklat na naglalaman ng mga tula kay Lean. Natupad ko ang pangako kong sampung tula, ngunit dinagdagan ko kaya labinlimang tula iyon pati na mga isinalin kong akda ang naroroon. Sa gipit naming kalagayan ngayon, anong magagawa ng tula, gayong batid kong walang pera sa tula. Nakaratay si misis sa ospital, dahil sa operasyon, may ilang mga kaibigan at kasamang tunay na nagmalasakit at nagbigay ng tulong. Alam nilang pultaym akong kumikilos habang social worker naman si misis na hina-handle ay OSAEC (online sexual abuse and exploitation of children). Bagamat secgen ako ng dalawang organisasyon, XDI (Ex-Political Detainees Init