Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2024

40 days at 40 nights na sa ward

Imahe
40 DAYS AT 40 NIGHTS NA SA WARD umabot na kami ng apatnapung araw at apatnapung gabi dito sa ospital kaytagal namalagi, pagkain ay lugaw paano'y naoperahan dito si mahal sa isang munting sakit, maraming nakita mula gall stone at gerd, mayroon palang blood clot namuo ang dugo sa bituka, nagbara at di makapasok ang oxygen sa ugat siya'y naoperahan, hanggang naimpeksyon ang dugo, dalawang linggong antibayotik na anong lakas daw, ramdam ni misis iyon at sa harap niya, ako'y di makahibik rare case, anang mga doktor, may mayoma pa ilang beses siyang sinalinan ng dugo dahil anong baba ng hemoglobin niya ah, kailan ba sakit niya'y maglalaho nagsagawa pa nga ng bone marrow biopsy na pangatlong eksamen kung sanhi ba'y ano di pa batid sa pagsususuri ang nangyari lalo't resulta ng biopsy: negatibo mabuti't guarantee letter na'y nagsipasok malaking tulong sa kaymahal na gamutan kung saan kukuha ng pera'y di maarok upang ipandagdag sa aming babayaran - gregoriovbi

The artistry and activism in me

Imahe
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter  Marcel Duchamp  died that was the day I was born when massacre of  students  in Tlatelolco, Mexico  happened that was the day I was born a painter died, a future poet  was conceived from her mother's womb protesting students were massacred a future student and activist was conceived from her mother's womb in my blood is the shaper of words in Filipino who's father is a Batangueno who's mother is a Karay-a from Antique who inculcated in me words that is deep even if I was raised as a Manilenyo also in my blood were  Spartan activists who fight for equality, justice and truth Duchamp and the Tlatelolco students have died the day I was born their memory and legacy will be in my blood, brain, heart and bone I will continue the artist in me I will continue the activist in me I don't usually believe in what they call reincarnation I just thought that the date of their  death is the same as my birth I was born probably to becom

Disyembre na naman

Imahe
DISYEMBRE NA NAMAN ramdam ang simoy ng hanging amihan na tanda ba ng parating na ulan? Disyembre na, marahil kaya ganyan o  climate change , klima'y nag-iba naman unang araw ng Disyembre,  World AIDS Day a-syete,  Political Prisoners Day sa ikasiyam,  Anti-Corruption Day sa petsa sampu naman,  Human Rights Day may sanlinggo pang ang dukha'y hihibik yaong  Urban Poor Solidarity Week na baka gawing  Urban Poor Protest Week pagkat sa hirap pa rin nakasiksik tatlong linggo na lamang at  Pasko  na paulit-ulit, wala bang pag-asa? kayrami pang palaboy sa kalsada kayrami pa ring hanap ay hustisya! - gregoriovbituinjr. 12.01.2024