Ikatlong kampyonato, nakuha ni Django

IKATLONG KAMPYONATO, NAKUHA NI DJANGO ngayong taon nga'y tatlong beses nang nagkampyon sa larong bilyar si Francisco Bustamante mabuhay ka, Django , sa nakamit mong iyon mahigit sandaang katunggali'y nadale unang panalo'y Bayou State Classic One-Ball One Pocket sa Louisiana, ang sunod ay sa Las Vegas, sa Jay Swanson Memorial Nine-ball ikatlo'y sa One Pocket Face-Off nagtagumpay Congrats, Django , sa binigay mong karangalan sa bansa, tulad ng kumpare mong si Efren "Bata" Reyes, na ang taguri'y "The Magician" kahusayan ninyo'y dapat naming tanghalin taasnoong pagpupugay sa iyo, Django hari ka ng bilyar at tunay na idolo - gregoriovbituinjr. 02.23.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Pebrero 23, 2025, p.12