Ang pamanang nailcutter

ANG PAMANANG NAILCUTTER ang aking mga kuko'y kayhaba na pala kaya nailcutter ay agad kong hinagilap ang nailcutter pa ni misis yaong nakita binili kong nailcutter ay di ko mahanap habang nagtitipa sa kompyuter ng akda ay naiirita sa mahahabang kuko mabuti't kuko'y naputulan ko nang sadya kaya maginhawa nang magsulat ng kwento pamanang nailcutter ay may ngalang Liberty pinaukitan ni Libay ng ngalan niya at isa sa mga gamit niyang kayrami na talaga kong iniingatang pamana nailcutter ni misis, may logo pang nalagay Philippine Association of Social Workers, Incorporated o PASWI, dito si Libay ay kasaping kaytagal pagkat social worker maraming salamat sa pamanang naiwan naalala muli ang nawalang kapuso kahit paano'y umalwan ang pakiramdam sa kabila ng nararanasang siphayo - gregoriovbituinjr. 08.14.2025