Hinahagilap lagi kita sa aking gunita

hinahagilap lagi kita sa aking gunita
di ko malaman kung ako pa ba'y may mapapala
habang iniinit ko ang malamig na kutsinta
o ito'y gawin ko na lang sa bukid ay pataba

iniluluha mo ba'y batong sinlaki ng graba
habang sa isip mo ako'y iyong inaalala
tara, maglibot muna tayo doon sa Luneta
mamasyal kita kahit bulsa'y butas, walang pera

nakikita ko ang lawin doon sa papawirin
ako naman ay tila pipit sa sulok ng hardin
namimilipit na gawa ng asong palamunin
pati na guyam ay nagbabantang ako'y lamunin

tatawirin ko ang pitong ilog na anong lalim
lalakbayin ang pitong bundok na maraming talim
upang hugasan ang salang nagdulot ng panindim
at upang makita ang rosas na nais masimsim

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom