Wala akong anumang meron

wala akong anumang meron kundi alaala
ng maraming karanasang kaakibat ng dusa
paminsan-minsan ay mayroon din namang masaya
na ikaiiyak mo o kaya'y ikatatawa

na binalewala lang ng mga malditang iyon
alaalang inugit ng makisig na kahapon
nag-iba na kasi ang inadhika ko't nilayon
ito nga, pulos paghihigpit na lang ng sinturon

pagkat naging tibak ang dating nag-aastang playboy
di nagpayaman, kasangga'y dukha, astang palaboy
iba ang binhing inihasik, iba rin ang suloy
naging Katipunero't rebolusyon ang panaghoy

walang meron ako kundi gunitang akin lamang
yakap ko'y prinsipyo't misyong baguhin ang lipunan
na pribadong pag-aaring ugat ng kahirapan
ay tuluyang mapawi, pati burgesyang gahaman

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom