Ang nag-iisang mais sa gilid ng kalsada

namunga na rin ang mais sa gilid ng kalsada
nag-iisa ang mais na iyon, walang kasama
nabuhay ng ilang buwan sa kanyang pag-iisa
sa kabila ng kalagayan,  nakapamunga pa

tulad din ng makatang kumakatha sa kawalan
may nakakatha sa umaga man o sa kadimlan
may katha sa sinag ng araw o patak ng ulan
lagaslas man ng tubig o kalagayan ng bayan

ang introvert nga akala mo'y may sariling mundo
tulad ko'y kayrami rin palang inaasikaso
laging may ginagawa, masaya mang nagsosolo
siyang may buti ring ambag sa mundo't kapwa tao

O, mais, mag-isa ka mang tumubo sa lansangan
subalit namunga ka pa't nagbigay-kasiyahan
ako'y nagpupugay sa iyong angking katatagan
tanging alaala'y larawan mong aking kinunan

- gregoriovbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom