lapidaryo ~ (1) sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas; (2) artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabas na mahahalagang bato o hiyas [UP Diksiyonaryong Filipino, p. 678]; (3) maaaring sining at tagatipon din ng mahahalagang akda o hiyas ng panitikan
SA PAGLULUNSAD NG LIBRONG "PAUWI SA WALA" NI JIM LIBIRAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Alauna ng hapon ng Oktubre 5, 2024, Sabado naroon na ako sa sinehan sa Gateway sa Cubao, Lungsod Quezon, upang manood ng Breaking the Cycle na handog ng Active Vista Human Rights Festival . Ang pelikula'y hinggil sa halalan at pulitika sa Thailand. Matapos ang panonood ng pelikula ay may question and answer portion pa. Habang naroon ako'y nakita ko sa fb page ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) na book launching ng aklat ng isang kamakata, ikaanim ng gabi. Doon ay nagpasya akong puntahan iyon. Isang oras pa bago ko madaluhan ang nasabing paglulunsad ng aklat. Pasado ikalima ng hapon nang umalis na ako sa Gateway. Ikaanim ng gabi, naroon na ako sa book launching ng librong Pauwi sa Wala, Paglalakad mula 1984 hanggang 2024, Mga Tula ni Jim Libiran at Mga Guhit ni Pinggot Zulueta. Umaabot ng 136 pahina. Nakipag-selfie na rin sa aw...
DALAWANG ANEKDOTA SA PINUNTAHAN KAHAPON Dalawa ang pakay ko kahapon, ang magpapirma sa mga doktor para sa promissory note at pumunta muli sa DSWD. Kaya dalawang klaseng tao ang nakausap ko - doktor at social worker. Kailangan kong magpapirma sa labing-apat na doktor na tumingin kay misis para sa promissory note upang makalabas ng ospital. Hindi raw kasi maaari ang promissory note pag hospital bill, na dapat daw ay bayaran ng buo. Pang-apatnapu't limang araw na namin ngayon, sabi ng mga doktor ay pwede na siya lumabas. Subalit sa billing station, hindi pa hangga't di nabubuo ang bayad. Nakapapagpapirma ako sa unang doktor na dumalaw kay misis nang magtungo ako sa kanyang tanggapan, ikasampu ng umaga kahapon. Sa ikalawang doktor naman ay nakapagpapirma ako bandang alas-onse y medya. Nang mapirmahan niya iyon, sabi niya sa kanyang sekretarya, "Ito 'yung pasyenteng takot na takot kami dahil baka mamatay. Buti naman at naagapan." Ikalawa, nang magtungo ako sa DSWD dah...
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang tahanan. Wala nang tirahan ang kanyang pamilya. Ang kanyang bunso'y iyak ng iyak dahil marahil sa lamig ng gabi. Ang langit na ang kanilang kisame. Kanina, nasa trabaho siya. Nakatutok maghapon sa makina. Walang obertaym kaya maagang nakalabas. Subalit nagyaya pa ang isang kasamahan. Tigalawang bote ng beer muna bago umuwi. Pagdating sa inuuwian, nag-iiyakan, nagsisigawan, malalakas na boses ang kanyang nadatnan. Habang ang iba'y muli namang itinatayo ang kanilang nagibang barungbarong. Nagbabakasakaling maibalik ang buhay na nawala sa buong maghapon. Inilagay niya sa pinggan ang binili niyang pansit upang pagsaluhan nilang mag-anak. Habang kanyang iniisip, anong kinabukasan mayroon ang kanyang mga anak sa lugar na iyon? Kailangan na ba nilang lumipat at ialis ang kanyang pamilya roon? Magiging makasarili siya kung iyon ang gagaw...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento