lapidaryo ~ (1) sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas; (2) artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabas na mahahalagang bato o hiyas [UP Diksiyonaryong Filipino, p. 678]; (3) maaaring sining at tagatipon din ng mahahalagang akda o hiyas ng panitikan
Kwento ng makatang hangal
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
kwento ng makatang hangal:
sa umaga'y nag-almusal
sa tanghali'y nagpakasal
sa hapon ay isinakdal
sa gabi'y nagpatiwakal
- gregoriovbituinjr.
* litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang tahanan. Wala nang tirahan ang kanyang pamilya. Ang kanyang bunso'y iyak ng iyak dahil marahil sa lamig ng gabi. Ang langit na ang kanilang kisame. Kanina, nasa trabaho siya. Nakatutok maghapon sa makina. Walang obertaym kaya maagang nakalabas. Subalit nagyaya pa ang isang kasamahan. Tigalawang bote ng beer muna bago umuwi. Pagdating sa inuuwian, nag-iiyakan, nagsisigawan, malalakas na boses ang kanyang nadatnan. Habang ang iba'y muli namang itinatayo ang kanilang nagibang barungbarong. Nagbabakasakaling maibalik ang buhay na nawala sa buong maghapon. Inilagay niya sa pinggan ang binili niyang pansit upang pagsaluhan nilang mag-anak. Habang kanyang iniisip, anong kinabukasan mayroon ang kanyang mga anak sa lugar na iyon? Kailangan na ba nilang lumipat at ialis ang kanyang pamilya roon? Magiging makasarili siya kung iyon ang gagaw
aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip sila'y simbolo ng ating ina, dapat maisip huwag babastusin sa salita, kahit gahanip at huwag tingnang mababang uri, dapat malirip kahit sa karatula sa dyip, dapat may respeto dahil mga babae ang kalahati ng mundo maling-maling sa karatula'y nakasulat ito: "kahit anong ganda mo, driver lang ang katapat mo!" macho ba ang pakiramdam mo pag iyong sinabi? na parang kaya mong kunin kahit sinong babae? "basta driver, sweet lover", matagal nang pasakalye sa dyip, ngunit respetuhin sinumang binibini sa loob man ng dyip, igalang ang kababaihan huwag mo silang ituring na parausan lamang tulad ng iyong mahal na ina'y dapat igalang sila'y tao ring tulad mong may puri't katauhan - gregbituinjr.
Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom marami nang sa COVID ay namatay nang tuluyan namatay sa gutom ay wala pang nabalitaan dahil ba likas sa taong gumawa ng paraan upang pamilya'y di magutom, may laman ang tiyan may namatay dahil binaril ng mga halimaw nagprotesta dahil sa gutom, ito ang malinaw tagtuyot sa Kidapawan, walang ani, malinaw at sila'y binaril, tatlong magsasaka'y pumanaw gayong lehitimo naman ang panawagan nila ngunit iba ang COVID na tao'y na-kwarantina walang sakit, walang ring trabaho, may paraan pa laban sa gutom, bayanihan ang mga pamilya wala pang namamatay sa gutom, kahit pa dukha dahil likas sa taong may paraang ginagawa subalit sa COVID, baka di sila makawala nananalasang sakit na ito'y nakakahawa frontliners na doktor, nars, kayrami nilang namatay upang sagipin nila sa sakit ang ibang buhay sa mga frontliner, taos-puso pong pagpupugay salamat! nawa'y di kayo magkasakit! mabuhay! - gregbituinjr.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento