Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2021

Undas

Imahe
UNDAS malupit ang nanalasang nagdala ng kadimlan sa madla sa panahong di nila inaasahan marami mang nakaligtas, marami ring lumisan saksi ang ulap sa covid na dumaklot sa bayan ngayong undas, mga nangawala'y ginugunita may pupuntang libingan, magsisindi ng kandila mahal sa buhay na para sa atin ay dakila ating babalikan ang alaala nila't gawa panahon ding gunitain ang desaparesido na kaanak ay walang mapuntahang sementeryo na tanging naiwan sa anak ay mga litrato di nakita ang dapat humubog sa pagkatao ang iba naman ay nananalangin ng hustisya lalo't tinokhang ang anak ng humihikbing ina tanging magagawa ko sa kanila'y makiisa na sana hustisya'y kamtin ng mga anak nila undas ay panahon ng paggunita't pagpupugay at pagdalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay uusalin ng lihim na sa kanilang paghimlay ay maging matiwasay ang kanilang paglalakbay - gregoriovbituinjr. 10.31.2021

Paskil sa dyip

Imahe
PASKIL SA DYIP nakapaskil sa dyip,  "Please read me"  "No face mask, no face shield, no entry" wastong bilin, napakasimple madali lang maiintindi paskil na nagmamalasakit nang di mahawaan ng COVID kung wala kang face mask o face shield huwag sumakay o sumabit nawa'y unawaing totoo na ito'y para rin sa iyo sa kaligtasan ng kapwa mo para sa bawat pasahero ika nga nila, huwag tanga alam mo namang may pandemya face mask at face shield mo'y nahan ba? kung suot, makakasakay ka - gregoriovbituinjr. 10.30.2021

Paglingap

Imahe
PAGLINGAP nakangiti ang pangarap lumulukso sa hinagap kapag humigpit ang yakap umiigting ang paglingap anong ganda ng panahong sa amin ay sumalubong handang harapin ang hamong di maiwasang masuong salamat sa bawat ngiti lagi sanang manatili pagsinta, adhika't mithi manatili sanang lagi kung paglingap ay malusog ay dahil nga sa pag-irog habang mundo'y umiinog rosas ka, ako'y bubuyog - gregoriovbituinjr. 10.29.2021

Pasong lutuan

Imahe
PASONG LUTUAN ang lumang electric rice cooker ay hinanap nila tanging rice pot o kaldero ang kanilang nakita ang pinaglalagyan ng kaldero'y nawawala na yaong sinasaksakan ng kuryente'y nahan na ba hanggang matagpuan ang hinahanap sa may hardin subalit pangit nang paglutuan kahit pilitin ang de-kuryente'y di na mapaglutuan ng kanin aba'y sa kahoy o sa gasul ka na lang magsaing hanggang kanilang napagtanto ang katotohanang ang lumang rice cooker pala'y nasira nang tuluyan di na magamit, imbes itapon, ginamit naman ginawa nang pasong taniman ng mga halaman talagang naging malikhain ang gumawa nito mapapabilib ka't siya rin pala'y isang henyo sa kanyang halimbawa'y dapat din tayong matuto na pwedeng baguhin ang gamit ng sirang gamit mo - gregoriovbituinjr. 10.29.2021

Alapaap

Imahe
ALAPAAP nakatitig na naman sa ulap upang muling tumula't mangarap lalo't kayraming nasa hinagap na nais dalhin sa alapaap lalo't ulap ay naghugis puso na madarama kung may pagsuyo sa musa, makata'y narahuyo sa pag-ibig na di maglalaho makatang tunay na umiibig katawan man ay nangangaligkig sa alapaap ay nakatitig puso'y narito pang pumipintig gagawin ng makata ang lahat upang ulap ay abuting sukat - gregoriovbituinjr. 10.29.2021

Sanlakas 28

Imahe
PAGPUPUGAY SA IKA-28 ANIBERSARYO NG SANLAKAS aking nakita'y lubusang pagsisilbi sa masa mapanuri, palaban, talagang nakikibaka silang Sandigan ng Kalayaan at Demokrasya ng Sambayanan, saksi ako sa nagawa nila isinilang sa gitna ng matinding debatehan tumindig sa tama, iwinasto ang kamalian wala sa dulo ng baril, di sa digmaang bayan maitatayo ang mithing makataong lipunan sinusuring mabuti ang sumusulpot na isyu binabaka ang mali't kapalpakan ng gobyerno naghahain pa ng kahilingang pabor sa tao naghahapag ng solusyong dapat dingging totoo patuloy sa pag-oorganisa ng aping madla nakikipagkapitbisig sa uring manggagawa nakikibakang tunay kasama ng maralita naglilingkod sa kapwa, nasa puso ang adhika at sa ikadalawampu't walong anibersaryo ng Sanlakas, taospusong pagbati't pagsaludo bahagi na kayo ng paglaki ko't pagtanda ko kaya narito akong nagpupugay ng totoo - gregoriovbituinjr. 10.29.2021

Kapasyahan

Imahe
KAPASYAHAN ang walo'y nagkatipon animo'y nagpupulong kayo na rin ba'y gutom sa bawat isa'y tanong hintaying tayo'y bigyan ng bigas o anuman sakaling wala naman sa lupa'y kumahig lang napagpasyahan nila laging magsama-sama mangitlog man ang isa salamat sa biyaya pag gabi na'y matulog at humapon pag antok pag araw na'y pumutok tara't magsitilaok - gregoriovbituinjr. 10.28.2021

Samutsaring nilay

Imahe
SAMUTSARING NILAY ang alapaap animo'y muling napagmamasdan subalit nakatitig lamang pala sa kawalan habang siko'y nasa pasimano ng durungawan ay kung anu-ano ang sa isip ay nag-indakan O, daigdig, manggagawa'y dapat magkapitbisig upang uring mapagsamantala'y mapag-uusig ang impit at daing ng mga api'y naririnig hustisyang asam sa puso ng dukha'y nananaig minsan, una kong tira'y e4, opening Ruy Lopez paano pag nag-Sicilian ang katunggali sa chess imbes na nag-e5 ay c5 ang tirang kaybilis ani Eugene Torre, ang buhay nga'y parang ahedres O, kalikasan, bakit ka nila pinabayaan? bakit karagatan mo'y nagmistulang basurahan bakit ba dapat alagaan ang kapaligiran wala mang pakialam ang tao sa kapwa't bayan - gregoriovbituinjr. 10.28.2021

Puno

Imahe
PUNO pagmasdan mo ang mga punò sa katabing gubat tingnan mo ang mga tindig nila't nakagugulat tila bantay sa sukal habang napapamulagat tila tanod sa dawag na sa iyo'y nanunumbat animo'y karit ni Kamatayan ang isang sanga na parang handa kang hatawin kapag nangambala may mahahabang sanga ring tila yayakapin ka marahil mga tuod na nagkadahon lang sila pagsapit ng dapithapon, mawawala ang lilim dadantay sa katawan mo't pisngi'y sariwang hangin puno'y nag-iindakan pagsapit ng takipsilim kasabay ng amihan at alitaptap sa dilim diwa ng makata'y inaakit ng mga punò guniguni ng manunula ang nirarahuyò may diwata ba roong sa makata'y nanunuyò bagamat lalamunan ko naman ay nanunuyô - gregoriovbituinjr. 10.28.2021

Engels at Rizal sa London

Imahe
ENGELS AT RIZAL SA LONDON may tula si Rio Alma tungkol sa pagkikita nina Friedrich Engels at Jose Rizal, sa London pa na pag iyong nabasa'y tila ka mapapanganga na sa pag-uusap nila'y parang naroroon ka anong tindi ng dayalogo ng dalawang iyon kay Rizal, dapat unahin muna ang edukasyon kay Engels, nirespeto si Rizal sa pasyang iyon subalit binanggit bakit dapat magrebolusyon at sa huli, nagkamayan ang dalawang dakila ngunit nang maghiwalay, may binulong silang sadya na di na nadinig ng isa't isa ang salita bagamat batid natin bilang nagbabasang madla at ngayon, sa webinar ni Dr. Ambeth Ocampo ay sinabing baka nagkita ang dalawang ito nagkasabay sa London silang sikat na totoo kung aaralin natin ang kasaysayan ng mundo wala pang patunay na nag-usap nga ang dalawa bagamat magkalapit ang tinutuluyan nila nasa Primrose Hill si Rizal,  sa inupahan niya kay Engels ang layo'y sandaan limampung metro pa kaya iniskrin shot ko ang isang slide ni Ambeth upang magsaliksik baka may

Pambansang utang

Imahe
PAMBANSANG   UTANG utang ng utang, nakikinabang ba'y buong bansa o ito'y para sa pag-unlad ng tuso't kuhila at tubò ng korporasyon nilang dinadakila ngunit bakit naghihirap pa rin ang laksang dukha? pambansang utang, inutang nila mula pa noon may utang ka, ako, ang isisilang pa lang ngayon sa piso, umabot nang higit labing-isang trilyon sa dolyares ay dalawang daan, tatlumpung bilyon kanino ba tayo umutang ng ganyang salapi upang magkautang din ang sunod na salinlahi utang ng gobyerno, apektado ang buong lipi gobyernong papalit-palit, bakit ganyan ang gawi pambansang utang ay para ba sa pag-unlad nino? bakit naghihirap pa rin ang karaniwang tao? bakit una'y pag-unlad ng tulay, at di ng tao? obrerong gumawa ng tulay, dukha pa rin, oo sa webinar na dinaluhan ko'y may panawagan: kanselahin o ibasura ang di mabayarang utang, kanselahin pati ilehitimong utang higit dito'y dapat tigil na ang pangungutang sa United Nations ay itayo sa loob nito ang isang mekanismong da

Pagkatha

Imahe
PAGKATHA totoo nga bang sa maraming taludtod at saknong ako'y pawang paglalarawan ng kutya't linggatong tulad ng sinulat ni Balagtas sa obra noon na kayraming inililibing ng walang kabaong datapwat di totoo ang kanilang haka't bintang madalas ilarawan ko'y bagay na karaniwan pati mga nangyayari sa klima't kalikasan di pulos damdamin, emosyon, dusa't kalungkutan kayraming paksa sa paligid, ilibot ang mata natumbang puno ng saging, ipil, kalumpit, mangga bulalo, adobo, manggagawa, pabrika, silya mga konsepto tulad ng panlipunang hustisya anong mga balita't nagaganap sa paligid karapatang pantao, tokhang, sa dilim binulid isda sa laot, kalabaw, ibon sa himpapawid tabak, rebolber, Supremo, sugod, mga kapatid makinig sa radyo, masdan mo ang kapaligiran kahit sa paghimbing, paksa'y napapanaginipan babangon bigla, magsusulat, madaling araw man habang sariwa pa ang nagsasayaw sa isipan - gregoriovbituinjr. 10.26.2021

Pagkakaisa

Imahe
PAGKAKAISA may agad akong nagunita nang mabasa iyon kasabihang sa buhay ay may prinsipyadong layon mula sa Etiyopya, animo'y tula at bugtong ang: " When "When spider webs unite, they can tie up a lion." na maikukumpara sa nabasa ko ring taos ito'y:  "Workers of the world, unite! You have nothing to lose but your chain,"  kung manggagawa nga'y magkaisang lubos puputlin nila ang kadena ng pagkabusabos kung magkapitbisig tulad ng sapot ng gagamba magagapos nila ang leyong mapagsamantala at sa pang-aapi sa masa'y di na makadamba tulad ng pagtapos sa paghahari ng burgesya dahil Tao'y tao, ating kapwa, may karapatan tulad ng mga manggagawang aliping sahuran kung walang manggagawa, wala tayong kaunlaran kanilang mga kamay ang nagbuo ng lipunan sapot ng gagamba'y ihanda nating buong giting upang igapos ang leyong dahilan ng ligalig manggagawa, magkaisa, mensahe'y iparating upang bulok na sistema'y palitan na't malupig - gregoriovbitu

Basura

Imahe
BASURA mula sa  "To All The Girls I've Loved Before"  na awitin na minsan ko nang kinanta't makabagbag-damdamin ngayon, ito nga'y binago ng ilang malikhain "To All The Wastes I've Trashed Before"  na pumukaw sa akin isang paalala sa mali nating ginagawa tapon kung saan-saan, sa basura'y balahura kayraming basurang plastik sa paligid at diwa tila kalikasan na'y ating binabalewala maruming kinahihinatnan ng ating paligid mga isda sa laot, sa plastik na nabubulid hayop, ibon, sa plastik na basura nasasamid gayon din ang tao, paano ito mapapatid pinag-uusapan sa mundo'y nagbabagong klima lalo't sa Nobyembre, COP 26 ay simula na; dapat pag-usapan din ang tumitinding basura paano lulutasing sama-sama ang problema may ginagawa, ngunit di sapat ang mag-ekobrik lalo't may naglilipana nang mga microplastic eh, paano pa ang di na makitang nanoplastic na baka sa ating kinakain pa'y nagsumiksik "To All The Wastes I've Trashed Befo

Usapang manok

Imahe
USAPANG MANOK tatlong manok ang nakatali doon sa kulungan habang manok na nasa laya'y nakatanghod lang marahil napag-usapan nila ang kalayaan masarap ang buhay sa laya, ang nasabi naman patungong bitayan na ba ang tatlong nakakulong? nagpiit ba sa kanila'y naghanda na ng gatong? nagawa lang ng tatlong manok ay bumulong-bulong tanong ng manok sa laya, anong maitutulong? baka naman manok ay kanilang aalagaan o palakihin ang magiging magilas na tandang o paiitlugin ang magiging inahin naman ngunit sa may-ari ng manok yaong kapasyahan natapos agad ang kanilang munting pag-uusap nang kulungan ay kinuha agad sa isang iglap dadalhin sa kung saan, bibitayin na bang ganap? o sila'y aalagaan ng may buong paglingap? - gregoriovbituinjr. 10.24.2021

Natumbang saging

Imahe
NATUMBANG SAGING tinumba marahil ng bagyo ang buwig ng saging kanina ko lang nakita sa likod-bahay namin baka maunahan ng daga, dapat ko nang kunin kaysa  saging na mahihinog na'y kanyang ngatngatin higit isang buwan na nang una ko itong kunan ng litrato nang muling umuwi ng lalawigan dahil potasyum itong pampalakas ng katawan na naging paksa na rin ng tula sa kalusugan ngalang agham pala nito'y musa acuminata ang ibang ispesyi nito'y musa balbisiana na hybrid ng dalawa'y musa paradisiaca habang musa sapientum ang lumang ngalan niya anong sarap ng saging na tanim mo pag nahinog pagkat alaga mo ito'y talagang mabubusog habang katabing kumakain nito'y iniirog na dahil sa potasyum, katawan ninyo'y lulusog - gregoriovbituinjr. 10.24.2021

Ayoko

Imahe
AYOKO ayokong magtila nalaglag na mumo sa pinggan na imbes kainin mo'y pakain na lang sa langgam o patuka sa manok, o ng mga sisiw pa lang ayokong maging mumo, tiyan ay di nakinabang ayoko sa isang buhay na walang katuturan na hanap sa akin ay manahimik sa tahanan na dinistrungka na ang iwi kong puso't isipan na pulos kain, tulog, ligo, nasa palikuran ayoko sa paraisong pawang kapayapaan di pa ako patay upang pumayapang tuluyan buti pa sa putikan at impyernong kalunsuran dahil may katuturan ka sa ipinaglalaban ayokong mapag-iwanan lamang ng kasaysayan na buhay ka nga sapagkat humihinga ka lamang buti pa ang tae ng kalabaw na nadaanan na magagamit mo pang pataba sa kabukiran ayokong ako'y di ako, nasa ibang katawan tunay na ako'y wala, nasa ibang katauhan ang hanap nila sa akin ay ibang tao naman nais ko ang tunay na ako, na dapat balikan - gregoriovbituinjr. 10.23.2021

Kalusugan

Imahe
KALUSUGAN sa isang webinar sa kalusugan ay nabatid ang dapat gawin ngayong nananalasa ang covid tila baga sa karimlan tayo'y ibinubulid habang iniisip paano ito mapapatid kalusugan pala'y kagalingang pangkabuuan ng pisikal, mental, sosyal, ng buong katauhan at di lamang kawalan ng sakit o kahinaan ito pala'y batayang prinsipyong pandaigdigan di kalusugan kung walang malusog na isipan at malusog na isip ay higit pa sa kawalan ng kasiraan sa pag-iisip, na natutunan sa isang webinar hinggil sa ating kalusugan tunay ngang nakakabalisa ang coronavirus siyam daw sa sampung tao'y ligalig ditong lubos panganib na sa kalusugan, sa kita pa'y kapos walang trabaho't katiyakan, naipon pa'y ubos dahil ako'y nagka-covid, sa webinar dumalo sa maraming kaalamang binahagi'y matuto salamat sa webinar sa binahaging totoo habang nakatingin pa rin ako sa sarili ko - gregoriovbituinjr. 10.22.2021 *  mga litrato ay screenshot ng makata sa webinar

Buryong

Imahe
BURYONG dinaluhan ko'y webinar hinggil sa kalusugan sa panahon ng pandemya sa loob ng kulungan isang webinar na dapat kong magtala't daluhan bilang sekretaryo heneral ng aming samahan nagtanong din ako: paano ang social distancing nang di magka-covid sa piitang siksikan man din di lang sa jail personnel kundi sa mga preso rin tugon ay may mekanismong ginawa na't gagawin ang mental illness daw ay kondisyon o kalagayan na huwag daw agad ituturing na kabaliwan kundi distress o pagkabalisa, o kalooban nila'y ligalig, apektado'y ugali't isipan dahil nasa piitan, nadarama'y pagkaburyong "makakalaya pa ba ako?" sa isip ay tanong "masamang balita sa pamilya" ang sumalubong "walang dalaw o kontak sa labas," di makasulong laging naghihintay, ngunit naghihintay sa wala hangad ay paglaya, ngunit kailan ba lalaya laging tulala, hanggang kailan matutulala ah, di na maibabalik ang panahong nawala ano pang layunin o dahilan upang mabuhay? kung

Reynante Jamili, kampyong Pinoy boxer

Imahe
REYNANTE JAMILI, KAMPYONG PINOY BOXER (Ang Pilipinong nilabanan sina Manny Pacquiao, Erik Morales, at Juan Manuel Marquez) Reynante Jamili, Pinoy Boxer na kampyon noon na nakalaban ang magigiting ding mga kampyon lalo na sa tatlong hari ng featherweight division na nagkampyon naman sa kani-kanilang panahon kayganda ng rekord ng kampyon nating boksingero sa limampu't isang laban ay walo lang ang talo at apatnapu't tatlong laban ang naipanalo kung saan mga na-knockout niya'y tatlumpu't tatlo sa Games and Amusements Board ay tinanghal siyang kampyon habang nagtagumpay maging Super Bantamweight Champion doon sa Oriental Pacific Boxing Federation ngunit sa nasabing tatlong hari'y nabigo noon lumaban muna kay Erik "El Terible" Morales sunod ang kababayang Manny Pacquiao na kaybilis na nagpatumba kay Jamili'y suntok na matulis lumaban din kay Juan Manuel "Dinamita" Marquez sa tatlong hari'y pulos knockout ang inabot doon si Barrera'y isa pan

Mensahe sa messenger

Imahe
MENSAHE SA MESSENGER ngayong araw ay magandang mensahe ang bumungad hiling sa aking bumalik na't aming ilulunsad ang sa maralita'y isang malaking aktibidad bilang sekretaryo heneral, iyon din ang hangad tatlong araw na aktibidad ang aming gagawin nais nila'y face-to-face, pwede naman mag-zoom meeting trentang katao'y target, dapat may social distancing saan magkakasya ang tatlumpu'y pag-isipan din di agad magawa, at baka raw magkahawaan ako pang nagka-covid ang dapat gumawa niyan nang kami'y magpulong, bakit di ko sinabi iyan gayong alam ng kapulong ang aking kalagayan di ako humihingi ng eksempsyon sa gawain dapat pag-isipan, iba na ang panahon natin iba't ibang variant pa ng COVID ang dumarating baka COVID ba'y di nila paniwalaan man din  sabi ko na lang, sige, akong magmo-mobilisa ako'ng sekretaryo heneral, kaya sagot ko na ibigay lang ang detalye nang makapag-umpisa nang tatlong araw na aktibidad ay matuloy na gayunman, dapat maging praktikal, im

Paraiso

Imahe
PARAISO natanaw mo bang parang paraiso ang paligid, kabukiran, kagubatan, ang ganda nga'y di lingid kabundukan, sariwang hangin ang sa iyo'y hatid ulap na humahalik sa langit ay di mapatid kung may sakit ka't nagpapagaling, maganda rito di habang kayraming dapat tugunang mga isyu mas maganda pa ring kapiling ang uring obrero nakikibaka't buhay ay handang isakripisyo ah, mas nais ko pa rin ang putikan sa lansangan di man paraiso, impyerno man ang kalunsuran upang magsilbi sa uring manggagawa't sa bayan kaysa tahimik na buhay at walang katuturan mas mabuti pang nakakuyom at taas-kamao kaysa kamaong di maigalaw sa paraiso may buhay ka nga, may hininga, katawan at ulo humihinga ka lang ngunit walang buhay sa mundo - gregoriovbituinjr. 10.21.2021

Expired na tinapay

Imahe
EXPIRED NA TINAPAY ngayon ang expiration date ng nabiling tinapay sayang, di ko agad inalmusal, di ko ginalaw subalit kaninang hapon ay mineryendang tunay upang di masayang, sa kapeng mainit sinawsaw "consume before"  ang nakasulat, bakit kinain pa aba'y sayang kasi, itae ko na lang talaga pambihira ka, kalusugan mo'y balewala ba aba'y ang expired date ay kanina ko lang nakita sira ba agad ang tinapay sa expiration date o ito'y tantiya lamang, di pa magkakasakit basta di na lumampas pa bukas ang aking giit ito pa'y kinain ko, ganito ako kalupit sa kapeng mainit, walang matigas na tinapay pamagat ng pelikula't kasabihan ding tunay at para sa akin, may salawikaing matibay sa mainit na kape'y walang expired na tinapay haynaku, nagbiro na naman ang abang makata nang may maipalaman lang sa tinapay at tula ngunit may aral na huwag ipagwalang bahala na expiration date ay huwag nang abuting lubha - gregoriovbituinjr. 10.20.2021

Manggagawa, pangulo ng bansa

Imahe
MANGGAGAWA, PANGULO NG BANSA isang bus driver si Pangulong Nicolas Maduro ng bansang Venezuela, tunay na lider-obrero guro sa primarya ang sa Peru'y kumandidato at nanalo, siya si Pangulong Pedro Castillo obrero sa pabrikang metal, lider-unyonista yaong pangulo ng Brazil na si Lula da Silva manggagawa rin ang naging Pangulo ng Bolivia na si Evo Morales, nakatatlong termino na ipinanalo ng kanilang mamamayang dukha at ng kapwa nila mahihirap na manggagawa di trapo, di elitista ang namuno sa bansa di mayayamang bobotante ang turing sa madla totoong lider ang nais ng mga mamamayan na talagang maglilingkod sa madla't buong bayan sa atin, manggagawa'y tumakbo sa panguluhan sa katauhan naman ni Ka Leody de Guzman bayan ay sawa na sa dinastiya't mga trapo na nanggaling sa iisang pamilya't apelyido huwag na sa trapong yaong dukha'y laging dehado  manggagawa naman ang iboto nating pangulo - gregoriovbituinjr. 10.19.2021 Mga pinaghalawan : https://www.nbcnews.com/storylin

Salin ng tula kay Che

Imahe
SALIN NG TULA KAY CHE Salin ng isang tula mula sa fb page ng End the Blockade of Cuba: "Alam na alam kong babalik ka Na uuwi ka mula sa kung saan Dahil hindi napapatay ng kirot ang mga pangarap Dahil walang hanggan ang pagmamahal at Ang mga nagmamahal sa iyo'y di ka nalilimutan"  (malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr., 10.19.2021) Noong Oktubre 17, 1997. Ang mortal na labi ni Che Guevara at ng kanyang mga kasama ay inilibing sa Santa Clara. Matapos ang huling pagpupugay parangal, na pinangunahan ng kanyang pangalawa sa Pagsalakay, na si Ramiro Valdés Menéndez, ang Kumander ng Rebolusyon, na pinagkatiwalaan ng misyon na hanapin ang labi ng mga napaslang na gerilya at ibalik sila sa kanilang bayan, kung saan iniwan ni Che patungo sa Plaza de la Revolución na nagdadala ng kanyang pangalan. Doon, hinihintay siya ni Punong Kumandante Fidel Castro, na tiyak na itatalaga ni Che ang huling pagninilay sa kanya, tulad ng ipinangako niya sa kanyang sulat ng pamamaalam.

Langgam

Imahe
LANGGAM nabidyuhan kong isang butil ng kanin ang pasan ng mga langgam habang sila'y nasalubong naman ng iba pang langgam na wari'y nagkukumustahan tila rin nagtanungan, ang butil ba'y galing saan? mga langgam ay nawala na sa aking paningin pagkat nagsisuot na sila roon sa ilalim upang imbakin ang butil sa kanilang kamalig ito ang sa araw at gabi'y kanilang gawain ang ibang langgam, butil ay nais ring makakuha upang sa tag-ulan ay may makakain din sila kayraming laglag na mumo sa sahig at sa mesa tulong-tulong at bayanihang papasanin nila sa kanila ikinukumpara ang manggagawa kaysisipag, nililikha'y ekonomya ng bansa kayod-kalabaw na araw-araw gawa ng gawa pag-unlad ay likha ng kamay nilang mapagpala - gregoriovbituinjr. 10.18.2021 * ang bidyo ay nasa kawing o link sa FB page na https://www.facebook.com/740781273289142/posts/809324259768176/

Numero

Imahe
NUMERO kaysarap ng potasyum na nakapagpapagaling na nang magtungo sa terasa'y bitbit kong pagkain nang tila kakaibang sining ang aking mapansin may numerong otsenta'y sais sa balat ng saging baka dahil wala agad masulatan ng presyo para sa isang buong buwig ng saging na ito sa balat sinulat ng nagmamadaling tindero ang otsenta'y sais nang agad maibenta ito bunsod ba ng katamaran kaya doon nagsulat o sa sipag, daming gawa'y inisyatibang ganap suki'y nariyan, presyo'y agad sinulat sa balat ng saging, nasa isip, sipag ay daig ng agap heto, nadampot ko ang numero otsenta'y sais bukod sa potasyum, baka kuminis din ang kutis walang may tagiyawat na unggoy, mukha'y malinis ah, saging na'y kinain ng katawan kong kaynipis - gregoriovbituinjr. 10.18.2021

Alapaap

Imahe
ALAPAAP narito na namang nakatitig sa alapaap matapos magluto't maghugas, muling nangangarap sa patay na oras, sa buhay na aandap-andap habang tirik ang araw, sa kanyang buong paglingap ilang oras magninilay at tatambay sa init habang inaasam ang paggaling mula sa sakit nasa kabundukang animo'y kaylapit ng langit kulang na lang ay largabista pag gabing pusikit maputing alapaap at luntiang kabundukan sariwa ang hangin at mapunong kapaligiran masukal na gubat at katabi mo'y kalikasan tila paraiso itong iyong kagigiliwan bagamat kaygandang paligid, layon ba'y narito o ito'y paglayo lamang sa problema ng mundo ako'y isang tibak na tangan sa puso'y prinsipyo na may misyong itayo ang lipunang makatao - gregoriovbituinjr. 10.18.2021

Paghahanap sa pangalan ng bagyo

Imahe
ANG PAGHAHANAP SA PANGALAN NG BAGYONG NAGPABAGSAK NOON SA MGA POSTE NG KURYENTE SA ALABANG Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Higit isang oras ko nang natapos ang tula kong pinamagatang "Bantang Pag-ulan" nang naisip ko itong rebisahin dahil sa isang taludtod na mukhang mali ang datos. Wala, naisip ko lang sulatin ang tulang iyon. Nailagay ko na sa pesbuk at blog, subalit kailangan talagang baguhin. Doon kasi sa ikatlong taludtod ng ikaapat na saknong ng aking tula ay nakasulat ang bagyong "Milenyo'y manalasa" at kasunod noon ay "higit sanlinggo kaming walang trabaho talaga". Mukhang hindi akma ang ikatlo't ikaapat na taludtod ng pang-apat na saknong. "mga poste'y bagsakan nang Milenyo'y manalasa higit sanlinggo kaming walang trabaho talaga" Kung "Milenyo", as in millenium, wala na ako sa trabaho ko dati nang mag-milenyo o taon 2000, panahon ni Erap, ang millenium president. Kaya naisip ko, mali yata ang inilagay

Sa araw upang mapawi ang kahirapan

Imahe
SA ARAW UPANG MAPAWI ANG KAHIRAPAN (Oktubre 17 - International Day for the Eradication of Poverty) ngayon ang araw upang wakasan ang kahirapan dineklara ng UN, araw na pandaigdigan deklarasyon itong di natin dapat kaligtaan dahil ito ang adhika ng dukhang mamamayan sino nga bang aayaw sa ganitong deklarasyon baka ang mga mapagsamantala pa sa ngayon upang tumubo ng tumubo, masa'y binabaon sa hirap, ani Balagtas nga'y sa kutya't linggatong "Wakasan ang kahirapan!" yaong sigaw ng dukha "Lipunan ay pag-aralan!" anang lider-dalita ito rin ang panawagan ng uring manggagawa at misyon din ng United Nations sa mga bansa kaya ngayong araw na ito'y ating sariwain ang panawagang ito ng maraming ninuno natin mga lider-maralitang talagang adhikain: wakasan ang kahirapan at sistema'y baguhin - gregoriovbituinjr. 10.17.2021 *  litrato mula sa Uring Manggagawa FB page noong Oktubre 16, 2016 *  ikalawang litrato mula sa google

Bantang pag-ulan

Imahe
BANTANG PAG-ULAN nagdidilim muli ang langit, may bantang pag-ulan agad naming tinanggal ang mga nasa sampayan hinanda ang malalaking baldeng pagsasahuran ng tubig sa alulod, pambuhos sa palikuran maririnig muli ang malalakas na tikatik sa mga yero habang nagmumuning walang imik sana dumating ay di naman bagyong anong bagsik na sa lansangan magpaanod ng basura't plastik kayrami kong danas sa bagyong nakakatulala konting baha sa amin, España'y baha nang sadya lubog ang Maynilad, tabing City Hall ng Maynila lestospirosis nga'y batid na noong ako'y bata naranasan ang Ondoy, nakita ang na-Yolanda na pawang matitinding bagyong sadyang nanalanta mga poste'y bagsakan nang Saling ay manalasa higit sanlinggo kaming walang trabaho't natengga nagbabanta muli ang ulan, kaydilim ng langit habang kaninang tanghali lang ay napakainit nagbabago na ang klima, climate change na'y humirit dapat paghandaan ang kalikasang nagngingitngit - gregoriovbituinjr. 10.17.2021

Covid, Climate Change, at Panawagan ng WHO

Imahe
COVID-19 AT CLIMATE CHANGE, ANO NGA BA ANG KANILANG KAUGNAYAN? Saliksik, sanaysay, at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nito lang Oktubre 11, 2021, naglabas ng press release sa kanilang website ang World Health Organization (WHO) hinggil sa kanilang sampung panawagan ng aksyon sa klima upang matiyak ang paggaling sa COVID-19. Pinamagatan ang press release na "WHO's 10 calls for climate action to assure sustained recovery from COVID-19," habang karugtong naman nito o sub-title ay "Global health workforce urges action to avert health catastrophe." Dito'y masasabi nating may kaugnayan, direkta man o hindi, ang COVID-19 sa krisis sa klima o climate crisis. Ngunit paano nga ba ang kaugnayan ng mga ito? Ayon pa sa pahayag ng WHO: "Dapat magtakda ang mga bansa ng mga ambisyosong pambansang pagtataya sa klima kung nais nilang panatilihin ang isang malusog at luntiang paggaling mula sa pandemya ng COVID-19." [aking pagsasalin] Sa araw ding iyon ay inilunsad ng

Magkaibang kulay ng iisang kwaderno

Imahe
MAGKAIBANG KULAY NG IISANG KWADERNO ngayon ko napagtanto ang gawa ng potograpo sa epekto ng ilaw o liwanag sa litrato lalo't nalitratuhan ang kay misis na kwaderno kuha ko'y magkaibang kulay, alin ang totoo kwaderno ba niya'y nangangasul o namumula maniwala ka man o hindi, kwaderno'y iisa hapon kong kinunan, ang isa'y nang maliwanag pa isa naman ay nang bukas ang ilaw na bombilya ngunit di ko sinasadyang makunan ang ganoon gayong ang ginamit ko lang ay kamera ng selpon inisip maigi ang nangyaring tila ilusyon kwaderno'y tiningnan ano talagang kulay niyon habang litrato't kwaderno'y sinusuring mataman napagtanto ko rin ang matagal pinag-isipan liwanag ng ilaw at araw pala ang dahilan kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan kung muli kong gagawin, sa totoong kamera na maging talagang potograpong pangarap tuwina baka maraming eksperimento ang magawa pa sa ilaw upang gumanda ang aking mga kuha - gregoriovbituinjr. 10.16.2021

Basura sa sukal

Imahe
BASURA SA SUKAL sa bandang ibaba, katabing gubat na masukal may kalbong bahagi roong animo'y may nagbungkal mga plastik na basura pala'y doon nagkural na baka pamahayan ng insekto pag nagtagal kitang-kita ang paglitaw lalo pa't walang tanim dahil basura, lupa'y lason na ang masisimsim dahil masukal, ang pagpunta'y baka di maatim baka masalubong pa'y ahas, magdulot ng lagim paano nangyaring plastik na basura'y naroon dahil ba gubat na masukal, doon na natipon? yaong basura mula sa bahay-bahay sa nayon kagagawan ba ng tao bakit doon nagtapon? sinong maglilinis niyon? yaon bang nakakita? ang may malasakit ba sa kalikasan tuwina? sinong kikilos at magtatanggal ng basura? hindi ang matapos kunan ng litrato'y wala na bago pa tayo magkasakit, basura'y tanggalin bago pamahayan ng insekto, ito'y linisin sino pa bang magtutulungan kundi tayo na rin kung paano ang gagawin, ito'y ating planuhin - gregoriovbituinjr. 10.16.2021

Gabi na naman

Imahe
GABI NA NAMAN gabi na naman, matapos kumain at dumighay nagunita ang mga danas, pakay, latay, ratay kumusta na ang mga nakaraang paglalakbay lalo't pakiramdam ng tuwa, luha, saya't lumbay pinanood ang kandilang apoy ay sumasayaw nais kong lumabas pagkat liwanag ay natanaw at pinagmasdan ko ang buwan nang ito'y lumitaw hanggang nakatago kong pluma't kwaderno'y ginalaw nais ko munang magsulat bago pa makatulog lalo na't buwan sa karimlan ay bilog na bilog habang haraya sa guniguni ko'y umiinog sa nagunita kaninang ang araw ay palubog subalit buwan ay naritong siyang pinapaksa pagkat nagpakita sa panahong nababahala habang sinindihan ko ang ikalawang kandila bilang tanda ng paggalang sa mga namayapa O, buwan, ikaw ang tanglaw sa panahong madilim ikaw ang liwanag kung may nadamang paninimdim lalo't aking katabi ang rosas na sinisimsim ako'y naritong umiibig ng buong taimtim - gregoriovbituinjr. 10.15.2021

Langgam sa isang tasang kape

Imahe
LANGGAM SA ISANG TASANG KAPE (Pasintabi kay Gat Amado V. Hernandez, national artist for literature, na naglathala ng aklat na Langaw sa Isang Basong Gatas.) may nalunod palang langgam sa kape kong mainit marunong ba siyang lumangoy at doon pumuslit ilan pa kaya silang naglutangan doong pilit iinumin ba o hindi, nag-isip akong saglit ah, di ko iinumin kung lamok ang lumulutang dahil baka ma-dengue pa tayo, di natin alam baka may dala ring mikrobyo itong mga langgam sayang ang kape o alagaan ang kalusugan? nagsaliksik pa ako sa internet hinggil dito wala pa raw namatay sa paglunok lamang nito sabi pa ng isang blog, antiseptic naman ito agam-agam ko'y paano kung may dalang mikrobyo? O, langgam na kung saan-saan na lang tumutulay tinuturing kang masipag sa bawat paglalakbay kapara mo raw ay manggagawang sadyang masikhay dahil nasa kape kita'y di ako mapalagay - gregoriovbituinjr. 10.15.2021

Parasito

Imahe
PARASITO dalawang linggong ibinilad ni misis ang damit di pa rin mamatay-matay ang kutong nakasabit dumaan man sa washing machine, binilad sa init nasa damit na nananahan ang kuto ng manok mga parasito itong di pa matigok-tigok paano bang kuto o hanip na ito'y malugmok bukod sa kuto, mga lamok ay naririyan pa lamok itong dengue ang dala, kundi man malarya kaytagal pa namang dumating ng trak ng basura huwag lang basura'y itapon sa katabing gubat lalo na't plastik, aba'y huwag sa gubat ikalat baka dumami ang lamok na sa atin mangagat ah, katabi man ng masukal na gubat sa bundok mahalaga'y malinis ang bahay, di nilalamok kaysarap pang matulog dito lalo na't inantok magtanim sa paligid ng anumang magugulay upang pag ito'y lumago, may aanihing tunay minsan, kita'y maghuntahan dito sa munting bahay - gregoriovbituinjr. 10.15.2021

Kabataan, balisa sa climate crisis

Imahe
MGA KABATAAN, NABABALISA SA HINAHARAP DAHIL SA MATINDING EPEKTO NG KRISIS SA KLIMA Saliksik, sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong nakaraang Setyembre 2021 ay nabalita ang pagkabalisa ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan mula sa iba't ibang bansa hinggil sa hinaharap o kanilang kinabukasan bunsod ng epekto ng pabago-bagong klima o climate change. Tingnan muna natin ang pamagat ng mga balita bago natin iulat ang mga nilalaman niyon. Sa BBC news (bbc.com): "Climate change: Young people very worried - survey", Setyembre 14, 2021. Sa cnbc.com: "Nearly half of young people worldwide say climate change anxiety is affecting their daily life," Setyembre 14, 2021. Sa nature.com: "Young people's climate anxiety revealed in landmark survey," Setyembre 22, 2021.  Sa medicalnewstoday.com: "Eco-anxiety: 75% of young people says 'the future is frightening'", Setyembre 28, 2021. Nakababahala rin ang pamagat ng ulat ng The Guardi

Aninag

Imahe
ANINAG manunulat na teknikal, gusto sa maliwanag upang magawa ang trabaho't sila'y mapanatag subalit akong makata'y sapat na ang aninag upang makasulat ng tula't makapagpahayag gawain ng makata'y di maunawa ng iba bakit kung saan maliwanag, ako'y lalayo pa marahil kung akdang teknikal ang gagawin ko pa doon sa maliwanag magtatrabahong talaga bakit sa makata iyang aninag lang ay sapat at kung saan maliwanag ay di doon lumipat sa katalamitam na musa'y doon masusukat kung saan naroon ang musa'y doon nagsusulat inaagaw ng liwanag ang nasa guniguni di tuloy makasulat ang makata ng mensahe di tuloy maisulat ng makata ang diskarte di tulad sa aninag, haraya'y hehele-hele makata'y uupo kung saan naman nakatayo ang musa ng panitik na sa ilang ay katagpo at kung ang liwanag ang sa musa'y magpapalayo makata'y di na makasulat pag musa'y naglaho - gregoriovbituinjr. 10.14.2021