lapidaryo ~ (1) sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas; (2) artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabas na mahahalagang bato o hiyas [UP Diksiyonaryong Filipino, p. 678]; (3) maaaring sining at tagatipon din ng mahahalagang akda o hiyas ng panitikan
Tanaga sa upos
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
TANAGA SA UPOS
ang nagkalat na upos
sa paligid na'y ulos!
solusyon bang papatos
ay sangkaterbang kutos?
- gregoriovbituinjr.
07.13.2022
* tanaga - taal na tulang may pitong pantig bawat taludtod
sinusugal ko na nga buhay ko para sa masa bakit aaralin ko pa ang laro sa baraha di pa ba sapat na marunong akong bumalasa bakit aaralin ko pang maglaro ng baraha simple lang ang sagot mo, upang may magawa tayo bakit baraha, pwede namang magbasa ng libro katuwaan lang naman, malay mo, baka manalo e, ano kung manalo, pampatay oras lang ito gamitin natin ang gintong oras kung anong tama baka may maiambag pa tayo sa ating bansa kaysa magbaraha't gumawa upang may magawa pag nauwi sa sugal, baka pamilya'y isangla hayaan mo nang di ako matutong magbaraha baka iwing buhay ko pa ang aking mabalasa baka pag nahasa rito'y hanap-hanapin ko na matututo nang magsugal, pabarya-barya muna pag may nanghamon, aba'y lalaban na sa sugalan taya kung taya, hangga't bulsa'y naritong may laman sa una'y pinadama, kayraming napanalunan sa susunod ay talo na, salapi'y naubusan - gregbituinjr.
ANG NAWAWALANG TALUDTOD SA TULANG "ENGKANTADO" NI JOSE CORAZON DE JESUS Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong isyu ng Liwayway, Nobyembre 2024, pahina 96, ay muling nalathala ang tulang " Enkantado " ni Jose Corazon de Jesus , na kilala ring Huseng Batute, ang unang hari ng Balagtasan. Unang nalathala iyon sa Liwayway noong Hulyo 14, 1923, isandaan at isang taon na ang nakararaan. Agad ko namang hinanap ang dalawa kong edisyon ng aklat na "Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula" sa pagbabakasakaling bagong saliksik iyon na wala sa nasabing aklat. Subalit naroon sa dalawang edisyon ang nasabing tula. Ang pamagat ay " Engkantado " na may g. Ang nasabing tula'y nasa pahina 24-25 ng unang edisyon ng aklat, na unang nilathala ng Aklat Balagtasyano noong 1984 at muling nilathala ng De La Salle University Press noong 1995. Ang unang bersyon ay may 131 tula. Nasa pahina 64-65 naman ng "Binagong Edisyon" ang nasabing tula, na i...
SINO SI FLORENTINO COLLANTES? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong nakaraan lang, habang naglalakad galing sa U.P. Diliman papuntang Katipunan ay napadaan ako sa F. Collantes St. na nasa Barangay Loyola Heights sa Lungsod Quezon kaya agad akong nag-selfie sa karatula ng lansangang ito. Ipinangalan ang kalsadang iyon sa makatang Florentino Collantes na naging Hari ng Balagtasan nang talunin niya noon ang idolo ko ring makatang Huseng Batute o Jose Corazon de Jesus. Tulad ko, mahilig din sa tula at pagtula si Florentino Collantes. Isa siyang dakilang makata. Nakilala ko ang makatang Florentino Collantes dahil sa kanyang anak na si Mam Loreto Collantes Cotongco na isa sa tatlong adviser namin sa aming campus paper sa kolehiyo. Ang dalawa pa'y sina Mam Romana Tuazon at Mam Cecilia Angeles. Kaya nang makita ko sa National Book store ang pangalang Florentino T. Collantes ay agad kong binili ang aklat niya ng mga tula na pinamagatang Ang Tulisan at iba pang...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento