Pagninilay

PAGNINILAY

nais ko ring isipin
ang liwanag sa dilim
nang di ako dalawin
ng anumang panimdim

pagdatal sa mapanglaw
na gubat, naaninaw
si Floranteng naligaw
sa puno'y nakapangaw

tila ba siya'y pain
sa leyong nangangain
dumating si Aladin
leyon ay tinudla rin

ngayon, dama ko'y gutom
at laksang alimuom
ang bibig ko'y di tikom
habang kamao'y kuyom

naritong nagninilay
ngunit di mapalagay
dinalaw man ng lumbay
sana'y kamtin ang pakay

- gregoriovbituinjr.
11.13.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom