Minsang mapadaan sa Harvard

MINSANG MAPADAAN SA HARVARD

magtuturo na raw ng wikang Filipino
sa Harvard, kaygandang oportunidad nito
upang ating wika'y mabatid na totoo
ng ibang lahi, Ingles, Kano, Aprikano

Pamantasang Harvard ay kayganda ng layon
at gurong Pinoy pa ang magtuturo doon
ng ating wika, ah, kahanga-hanga iyon
pagkat tinanggap niya ang matinding hamon

sa kalye Harvard ay napadaan kanina
at sa karatula ng kalye'y nag-selfie na
doon, gurong nasabi'y agad naalala
bagamat di ko tanda ang pangalan niya

ako kaya'y makapag-aral pa sa Harvard?
malabo, papunta lang doon ay very hard
nais mang matuto sa mga idolong bard
o English poet, wala naman akong green card

pangarap ko ring sa Harvard makapag-aral
ngunit hanggang pangarap na lang ang iiral
subalit sa pag-aaral ay nagpapagal
sarili mang pagbasa ng libro't materyal

- gregoriovbituinjr.
09.15.2023

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom