Kadakuon 8.8 na lindol sa Rusya

KADAKUON 8.8 NA LINDOL SA RUSYA kadakuon walo punto walo ang lakas ng pagyanig sa Rusya kaya sadyang pinakaba tayo sa lindol sa tangway ng Kamchatka pang-anim sa lindol na kaylakas umano ito sa kasaysayan buting maghanda ang Pilipinas kung sa atin may epekto naman lumikas ang nasa tabing dagat sa pampang ng Dagat-Pasipiko pansamantala, pagkat kaybigat kung may tsunaming dadako rito ang Fukushima'y alalahanin may lindol, mayroon pang tsunami mabuting handa ang bansa natin kung iyan sa atin ay sumagi - gregoriovbituinjr. 07.31.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar at Abante, Hulyo 31, 2025 * ang Kadakuon ay magnitude sa salitang Hiligaynon, ayon sa Google Translate: https://translate.google.com/?sl=en&tl=hil&text=magnitude&op=translate * tangway - peninsula