Luksang parangal kay Kasamang Kulot

LUKSANG PARANGAL KAY KASAMANG KULOT sa lahat, ang pagbati ko'y mapulang araw si kasamang Doreen man ngayon ay pumanaw kami'y hanga sa kanya't malayo ang tanaw magaling na lider, malalim ang pananaw tunay na magiting na lider-maralita pinagkaisa ang mga kasama't dukha masipag kumilos, siya'y laging may kusa tunay ngang kawalan ang kanyang pagkawala kasama siya sa mga rali't pagkilos nilaban ang karapatan ng kapwa kapos at upang pamumuhay ay maging maayos tunay na kasamang nakibaka ng lubos kanyang pinaglaban ang usaping pabahay at para rin sa makataong pamumuhay sa buong samahan, siya'y lider at nanay kay ka Doreen, taas-kamaong pagpupugay - gregbituinjr.

- nilikha at binasa sa Luksang Parangal na idinaos ng KPML-NCRR para kay kasamang Doreen Mendoza, na pangulo ng NMKPI, Marso 29, 2019, sa Tulos, Dagat-Dagatan, Caloocan City

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom

Itigil ang E.J.K.!