Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2020

Ang karatula sa dyip

Imahe
"No face mask, no ride"  ang mas lohikal nitong mensahe nakapaskil sa dyip kaninang ako'y namasahe malaking NO't tig-apat na letrang magkakatabi disenyo nito'y tila may kaibang sinasabi tingnan muli ang ayos ng letra't baka matawa "No face" , aba'y wala ka bang mukhang ipapakita? "No mask" , anong tingin nila sa mukha mo, maskara? "No ride" , di ka makakasakay, pag wala kang pera? minsan, natatawa lang tayo sa ating sarili lalo't disenyo sa karatula'y kaiba kasi "No face mask, no ride" , pwede pag magandang binibini? pag walang face mask, bawal sumakay, kahit ang seksi! pag  "no face, no mask, no ride" , iba na ang kahulugan matatawa ka na lang pag disenyo'y inayunan malamig, di malagim, ang pusikat na karimlan buti't sa pag-uwi'y may dyip pa rin akong nasakyan - gregoriovbituinjr.

Imbudo para sa pageekobrik

Imahe
mas madali nang magpasok ng ginupit na plastik sa maliliit na bunganga nitong boteng plastik gamit ang imbudo upang plastik ay maisiksik upang bumilis ang trabaho sa pageekobrik kaya nang makita ko ang imbudo sa groseri kasama ko si misis, ito'y amin nang binili at dahil na rin sa imbudo, mas nakawiwili ang gawaing pag-eekobrik, ako mismo'y saksi noon, natatapon sa sahig ang mga ginupit na plastik, ngayong may imbudo, kaydaling isingit walang nahuhulog na plastik lalo't maliliit tila mas may inspirasyon sa panahong malupit panahong kaylupit dahil sa kwarantina't COVID kaya sa pageekobrik ang buhay nabubulid subalit ayos lang habang may trabaho pang lingid hintay pa ang patawag, magsimula pag nabatid - gregoriovbituinjr.

Huwag magtapon ng basura sa karagatan

Imahe
kayganda ng payo sa kwadernong aking nabili kwadernong dapat gamitin ng mga estudyante madaling maunawaan, sadyang napakasimple halina't basahin:  "Do not throw garbage into the sea." pakatitigan mo pa ang mga dibuho roon isdang may plastik sa tiyan pagkat kumain niyon kahihinatnan ng tao pag nangyari'y ganoon kakainin natin ang isdang plastik ang nilamon nabubulunan na nga ang karagatan sa plastik kagagawan iyon ng tao, dagat na'y humibik paano malulutas ang basurang inihasik ng tao sa dagat, kilos, huwag patumpik-tumpik ngunit ngayong nananalasa ang coronavirus lumaganap muli ang plastik, di na mabatikos ngunit sino bang lulutas sa problema'y aayos sa daigdig na sa plastik nalulunod nang lubos hangga't di pa huli ang lahat, tayo'y magsigalaw bago pa tayo balingan ng plastik na halimaw plastik ay di nabubulok, tila ito balaraw sa ating likod, kumilos na tayo, ako, ikaw - gregoriovbituinjr.

Mahirap indain

mahirap indain ang samutsaring naririnig dahil walang trabaho'y pabigat, nakabibikig dapat nang umalis na tila di mo napakinig yaong ayaw mapakinggang mapang-uyam na tinig pabigat, palamunin, wala kasing sinasahod di naman papepi, lampa, o mahina ang tuhod bakit di magtrabaho't kumayod lang at kumayod kaysa tumunganga't mangalay ang leeg at likod subalit ayaw tanggapin sa trabaho ang tibak di kabisado ang salita, sila'y hahalakhak wala ring mga bakante, kung gusto mo'y magsibak ng kahoy na kinuha't sibakin doon sa lambak walang problema kung kaya, ang trabaho'y gagawin basta huwag lang paparinggang ako'y palamunin anumang trabaho'y kakayanin ko't papasukin basta kahit ako'y tibak ay kanilang tanggapin huwag lang nilang hamakin ang aking pagkatao na pabigat at palamunin dahil walang sweldo kung patuloy pang lalaitin, aalis na ako at muling babalik sa kinikilusan kong mundo - gregoriovbituinjr.

Ang mutya sa balintataw

Imahe
nakikita ko ang mutyang nakangiti sa hardin sa aking balintataw ay naroong anong hinhin ako ba'y namalikmata o nanaginip man din pagkat bigla siyang nawala't tinangay ng hangin anong ganda ng mutya kung ipipinta sa kambas habang tinutula ko ang kariktan niyang wagas baka ngiti niya ang sa sakit ko'y makalunas habang aking haraya'y paduyan-duyan sa taas tila ako isang raha doon sa daigdigan na laging nakikipaghuntahan sa mamamayan pag sumagi sa isip ang mutya'y natitigilan subalit panibagong tula'y nalilikha naman ang mutya kayang iyon ang musa nitong panitik pag nariyan siya, pluma ko'y sa papel hahalik habang tinutulungan yaong masang humihibik ng kawalan ng hustisya kaya naghihimaghik - gregoriovbituinjr * kinatha matapos basahin ang  "Notorious Literary Muses from Best to Worst"  na nasa kawing na https://lithub.com/notorious-literary-muses-from-best-to-worst/

Kaygandang islogan sa kwaderno

Imahe
"The least I can do is speak out for those who cannot speak for themselves." - islogan sa isang pabalat ng notbuk kayganda ng islogan sa kwadernong nabili ko wala nang alinlangang binili ko agad ito sinasalamin nito ang yakap kong prinsipyo na niyakap ko't umukit sa aking pagkatao bilang makata, bilang aktibista, bilang ako ako'y isang lingkod ng uring manggagawa't masa sa pagkilos, pagtula, pagkatha, pagpropaganda upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya lumalaban sa mapang-api't mapagsamantala inaadhika'y palitan ang bulok na sistema oo, nagsasalita ako para sa dalita para sa karapatan, hustisya, api't kawawa lalo pa't pipi't bingi ang namumunong kuhila sa burgesya'y una ang tubo't negosyo, di dukha sa tibak na tulad ko'y lipunang mapagkalinga patuloy pa ako sa pakikibaka ng uri upang sistemang bulok ay di na mananatili para sa dukha, obrero, api'y nagpupunyagi para sa magsasaka, babae, bata, kalahi upang ilagay sa tukto

Pageekobrik muli

Imahe
isang linggo rin akong tumigil na mag-ekobrik di dahil walang plastik kundi dama'y tumitirik pulos iyon na lang, araw-gabi nang nagsisiksik kahungkagan ng buhay-kwarantina'y dumidikdik tila ba pageekobrik ko'y isang pagmumukmok damang kahungkagan sa akin nakapagpalugmok ang kahungkagang ito'y nakasisira ng tuktok bagamat di ko masabing sa puso'y umuuk-ok pageekobrik na ito'y magandang adhikain nabubulunan sa plastik ang ilog, dagat natin dahil nga sa coronavirus, balik-plastik pa rin kampanyang anti-plastik ay tila ba natigil din subalit ngayon, sinimulan ko muling maggupit ng maraming plastik na naiipon kong malimit hungkag man ang dama'y mageekobrik pa ring pilit magekobrik hangga't sa kwarantina'y nakapiit - gregoriovbituinjr.

Tanaga sa panahon ng kwarantina

mahirap magkasakit sa lockdown na kaylimit ramdam mo'y anong lupit sa panahong di sulit kailangang mag-ingat huwag kang malilingat agapan pag may sinat at iwasan ang lagnat face mask, social distancing face shield, huwag babahing kung sakaling hihimbing diwa'y alisto't gising dapat kang may alkohol tanging tagapagtanggol sa sakit na sasapol o virus na hahabol ano bang dapat gawin nang di tayo gutumin aba'y pabitin-bitin na itong buhay natin wala nang nakakapa sa bulsa ang dalita walang kita't kalinga at lagi pang tulala kwarantina'y kaytagal laging natitigagal ramdam ko'y isang hangal na ulo'y binubuntal gutom ang kalaban pabrika'y nagsarahan baka mapagpasyahan umuwing lalawigan babalikan ang bukid kaysa lungsod mabulid ang sakit ay balakid sa buhay na matuwid - gregoriovbituinjr. * Ang tulang ito'y unang nalathala sa pahayagang  Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungs

Sa ika-25 anibersaryo ng Mining Act sa bansa

aba'y pangdalawampung anibersaryo na pala nitong Mining Act sa bansa, ano bang nangyari na batas na nagwasak sa paligid, buhay, kultura wasak na bundok, lupang minina'y may lunas pa ba di ba't ang ating kapaligiran ay napinsala pati mapagkukunan ng tubig na'y nasisira puno't pananim, katutubo'y apektadong lubha nangyari sa Boac noon ay isang halimbawa bakit tuwang-tuwa kayong minimina ang bundok biktima rin ba kayo ng kapitalismong hayok ilang kabundukan na ba ang kinalbo ang tutok dahil sa mina, ilang buhay na ang nangalugmok kayraming pinalayas sa lupa nilang sakahan batbat ng karahasan sa mga lupang minahan bansa'y pangalawa na sa kayraming pinapaslang buhay ng environmental defenders nga'y inutang noon, bakit pinayagang magmina ang dayuhan ngayon, bakit payag na payag ang pamahalaan madaling pasunurin ng negosyanteng gahaman tila wala nang pakialam sa kapaligiran di ba't mas mahalaga pa ang tao kaysa tubo bakit sinisira ang lupain ng katutubo bak

Tula ng desperado

anong kasong pulitikal ang aking aakuin upang makabalik sa lungsod at sa'king tungkulin bakasakaling ako'y muli rin nilang kulungin upang sa pagsilbi sa bayan ay makabalik din aakuin ko bang ako'y isang propagandista ng kilusang masang patuloy na nakikibaka aakuin ko bang masugid akong aktibista upang kamtin ng masa ang panlipunang hustisya aakuin ko bang sa heneral na mapaniil na napatay noon ay isa ako sa bumaril aakuin ko bang sa mapang-abusong koronel ang naghiganti para sa dukhang kanyang kinitil aakuin ko ba pati sugat ng katarungan upang makabalik lang sa paglilingkod sa bayan ayokong ituring na sa laban ay nang-iwan ako na'y makulong o gawaran ng kamatayan - gregoriovbituinjr.

Ang ibinigay sa aking dalawang aklat

Imahe
After manggaling ng Bookends sa Baguio, nakipagkita si misis sa kanyang amiga na palagay ko'y nasa 65-70 years old na. Pinatuloy kami sa kanilang tahanan at doon nananghalian. First time kong na-meet ang matanda, at agad niya akong binigyan ng dalawang libro.  Ang  Kite Runner  ni Khaled Hosseini, tungkol sa bansang Afghanistan, na nasa 398 pages. Ang ikalawa at agad kong binasa dahil nagkainteres agad ako, ang aklat na P risoners of Geography, Ten Maps that tell you everything you know about global politics , nasa 320 pages.  Kaibigan ni misis, first time ko na-meet, ngunit dalawang political books ang aking natanggap mula sa kanya. Alam kaya niyang political activist ako? Gayunman, ako'y lubos na nagpasalamat sa kanya, na mula sa Lipa, Batangas, na ang asawa ay from Baguio. - gregoriovbituinjr.

Nabili kong dalawang literary books sa Book Ends

Imahe
Nabili ko sa  Book Ends Bookshop  sa Baguio City ang dalawang literary books na ito: katipunan ng mga tula ng makatang Ingles na si William Wordsworth, at ang koleksyon ng sanaysay sa kritisismo ni American-British poet na si T. S. Eliot. Imbes na P400 ang dalawang aklat ay naka-discount ako, P250 na lang.  Ang  Wordsworth Poetical Works , 780 pages, imbes na P250 ay P150 na lang. Iyon namang  Selected Prose of T. S. Eliot , 320 pages, na P150 ang presyo ay P100 na lang. Naka-discount ako ng makita ng staff ng bookstore na kasama ko si misis. Kakilala kasi sila ni misis, at lagi doon si misis noon na naglulunsad ng training sa ecobrick at bokashi. Buti na lang, naka-discount sa 2 literary books ang makata. - gregoriovbituinjr.

Sa sementeryo ng Malabon

Imahe
dalawang kwento itong nabatid ko't nasaliksik sa sementeryo ng Malabon ay may natititik napag-usapan lamang namin habang bumabarik na marahil din sa iba'y kwentong kahindik-hindik may rebulto roong tulad ng drowing sa hinyebra subalit baligtad ang pag-ukit ng matapos na nasa ibabaw si Taning, nag-ukit nga'y lasing ba? habang nasa ilalim si San Miguel sa dalawa sa lapida ni Ben Tumbling ay may ukit na tula kriminal mang naturingan, siya'y pinuring sadya binasa ko ang buong tula't ako'y napahanga kaykinis ng katha, pantig pa'y bilang na bilang nga ito'y nasaliksik ko lang, di ko pa nadadalaw nais ko itong puntahan, makita balang araw ang sementeryo ng Malabon kung makita ko raw sisigla ang haraya't mga diwata'y sasayaw - gregoriovbituinjr.

Ang una kong tagay sa anim-na buwang kwarantina

Imahe
ang aking bahay-alak ay muli kong napalamnan sa unang pagkakataon nitong anim-na-buwan ng panahong kwarantinang uhaw sa kalasingan tila ba nagsaya ang mga bulati sa tiyan katagay ko'y dalawang bayaw na pinsan ni misis di man madaldal, bangka ako sa kwentuhan, tsismis nagiging matabil pag may tagay, di makatiis samutsaring paksa'y napag-usapan, di man labis isang malaking Red Horse, dalawang boteng hinyebra pulutan ay fish cracker at may munting kamatis pa drowing sa hinebra'y napag-usapan, anong saya pati ang unang tagay na dinasalan pa nila samutsari raw ang seremonya sa unang tagay sa iba't ibang tribu raw, may seremonyang taglay para sa kaligtasan sa pag-uwi, walang away may bagong saliksik na namang akong naninilay salamat sa tagay malipas ang anim na buwan muling sumigla ang imahinasyon at kwentuhan may mga bagong saliksik, plano't napag-usapan na isusulat ko't ilalathala kalaunan - gregoriovbituinjr.

Dalhin mo ang basura mo

Imahe
"Bring your trash with you when you leave"  ang nasa karatula ang basura mo'y di itatapon, dadalhin mo na kaya ba ng dibdib mo ang ganitong disiplina? na basura mo'y basura mo, dapat mong ibulsa "Return packaging materials to the store of purchase." ang bilin ba nilang ito sa palagay mo'y labis? pinuntahan mo'y  "garbage-free zone" , di ka ba nainis? di ba't kaygandang sariling basura'y iniimis? tama bang basura mo'y sa bulsa muna isuksok? ganitong gawi ba'y masisikmura mong malunok? ihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok magsunog ng basura'y bawal, nakasusulasok "Kung di mo kayang maglinis, huwag ka nang magdumi." ang biling ito sa bayan at sarili'y may silbi di ba't ang malinis na lugar ay nakawiwili? "Tapat ko, linis ko"  ay islogang dulot ay buti - gregoriovbituinjr.

Paglalaro ng math games sa selpon

Imahe
madalas, kaysarap maglaro ng math games sa selpon lalo na't napagod sa ginawa buong maghapon pahinga'y maglaro nito kaysa paglilimayon nahasa ang utak, baka humusay pa paglaon larong nagagamit ang kaalaman sa aldyebra o dyometriya, mga sangay ng matematika lalo na't mga numero'y lagi nating kasama baka matuto ka pa ng samutsaring pormula mayroong pabilisan ng adisyon at subtraksyon may patalasan sa multiplikasyon at dibisyon pormulang M.D.A.S. ay masusubok mo doon sa mundo ng sipnayan ay tila ka naglimayon sinong maysabing matematika'y nakakatakot kung sa math games sa selpon ay natutong pumalaot madali mo pang mabura't maiwasto ang sagot ang saya-saya na, laro pa'y di nakakabagot - gregoriovbituinjr.

Ginisang kamatis at hibe

Imahe
madalas, upang makamura'y di na magkakarne tulad ngayon, ginisa ko ang kamatis at hibe lalo't kwarantina, walang kita, di mapakali nagkasya man sa murang ulam, di ka magsisisi kung may serbesa't alak lang, kaysarap na pulutan habang bumabangka ka sa samutsaring kwentuhan sa sarap ng luto, baka ngalan mo'y malimutan haha, aba'y grabe, hibe't kamatis pa lang iyan sa panahon ngayon, kailangang magtipid-tipid magtanim-tanim din ng gulay sa pali-paligid malay mo, masagip sa gutom ang iyong kapatid at pamilya dahil nagsipag ka, di mo ba batid? mag-ulam din ng hibe't kamatis paminsan-minsan lalo na't tulad ko'y vegetarian at budgetarian kung maiksi ang kumot, mamaluktot ka rin naman saka umunat pag kinikita na'y kainaman - gregoriovbituinjr.

Payong

Imahe
tila dwende ang naroong nakasandal sa dingding na marahil agad reaksyon mo sa biglang tingin baka matakot ka agad pagkat mapamahiin iyon pala'y payong lang kung lapitan mo't suriin bakit kasi doon sa pader sinandal ang payong nahintakutan tuloy yaong nakakita niyon paumanhin kung natakot ka, amin iyang payong basa iyan kanina't nilagay ko iyan doon gayunman, sa matatalas at mapanuring mata tanong agad: "Kaninong payong 'to? Pahiram muna." malakas pa naman ang ulan, di siya nagdala ng payong na magagamit pagtawid ng kalsada kaya dapat maging mapanuri kahit nasaan sinabi ng mata'y huwag agad paniwalaan dapat may kongkretong pagsusuri sa kalagayan upang malayo sa anupamang kapahamakan - gregoriovbituinjr.

Talbos ng kamote't sardinas

Imahe
sa bakuran sa umaga'y kaysarap ding mamitas ng talbos ng kamoteng igigisa sa sardinas ulam din itong sa kwarantina'y pagkaing ligtas payat man ay nadarama ring ito'y pampalakas sa sibuyas at bawang ito'y aking iginisa o, kaybango ng bawang na nanuot sa sikmura hanggang nilagay ang sardinas na dinurog ko na at hinalo ang talbos, O, anong sarap ng lasa hanggang maluto na ito't sa hapag na'y hinain nilantakan din nila ang masarap kong lutuin tanghalian iyon, sa linamnam ay nabusog din sa sarap, pangalan ko'y tila nalimutan ko rin habang kumakain ay aking napagninilayan ang mga paruparong naglilibot sa lansangan at sa puno ng gumamela'y nagkakatuwaan tila kaytamis ng nektar doong masarap tikman natapos ang aming kain, tiyan din ay nabundat sa napagninilayan ay bakit napamulagat habang nililikha ang mga tulang nadalumat mula sa pintig ng puso, danas, at diwang mulat - gregoriovbituinjr.

Sabong

Imahe
ang mga manok naming alaga'y malalaki na nakikipagsabong na sa mga kapatid nila di man sila nagpapatayan, animo'y tupada di ko naman maawat, may sariling buhay sila sila'y tatlong buwang higit pa lamang nabubuhay nasubaybayan ko sila mula itlog sa salay hanggang maglabasan na ang labing-isang inakay ngayon, malaki na silang animo'y nagsasanay kung susuriin, iba ang buhay nila paglaon at pag ginusto ng tao, sila na'y isasabong buhay nila'y pagpupustahan ng mga sugarol wala silang malay na buhay nila'y binabaon inaalagaan sila upang sila'y kainin iyon ang pakinabang nila sa daigdig natin ngunit ang sugal na sabong ay inimbento man din baka magkapera kung alaga'y papanalunin - gregoriovbituinjr.

Paglisan upang magpatuloy sa laban

nais ko mang umalis sa lugar na anong lungkot narito't hungkag ang buhay, di dapat makalimot na isang tibak na may tungkuling masalimuot na dapat gampanan anuman ang pasikot-sikot asawa ko'y di ko naman basta na lang iiwan nang di kami nag-uusap, nang walang kumbinsihan sa kilusan, may katapat iyong kaparusahan pag nang-iwan ng asawa'y maiimbestigahan may disiplinary action o D. A. sa akto ko ilalapat pag napatunayang may sala ako di ako makakatakas sa kuko ko't anino lalo't tibak akong may adhikain at prinsipyo kahit sa Katipunan, myembro'y di dapat mang-api ng kapwa, lalo't asawa, o sinumang babae na kung aalis ako, siya'y aking makumbinsi lumuha man siya'y may pinag-usapan na kami ako'y aktibistang di pansarili lang ang isip kundi ang hustisya't karapatang pantao'y hagip pagbabago ng sistema sa puso'y halukipkip kaya pag nang-api ng kapwa'y di lubos malirip ako'y aktibistang ayaw sa pagsasamantala kaya dapat kong gawin ang

Sa danas ng dugo ko't diwa

kung nais nilang ako'y tuluyang mahiwalay na doon sa kinaaaniban kong kilusang masa tatanggapin kong mahiwalay sa tama ng bala sa noo, doon sa pagitan ng dalawang mata pagkat tibak akong sumumpang hanggang kamatayan na tutuparin ang adhikain ng Katipunan makabagong Kastila'y Pilipinong kababayan makabagong Amer'kano'y mapang-aping gahaman patuloy kong tatanganan ang prinsipyo't adhika lipunang makatao'y itayo mula sa wala makabagong Katipunero'y uring manggagawa makabagong bayani'y ang hukbong mapagpalaya ako'y makatang tinutula'y mga samutsari iba't ibang paksang sa puso't diwa'y di mawari dumudugo ang utak laban sa mapang-aglahi upang magagap ng masang nagbabakasakali magtatatlong dekada nang lingkod ng sambayanan pangarap pa ring makitang magwawagi sa laban magretiro sa misyong ito'y wala sa isipan hanggang sa huling hininga, pagbaka'y karangalan - gregoriovbituinjr.

Ang nasa loob

minsan, hayaan mong sabihin ko ang nasa loob kaysa makitang aking ulo'y laging nakasubsob dahil sa gawaing nasa puso, ako'y marubdob minsan nga, pag umulan, sa iba'y makikisukob nadarama ko ngayon ay kawalan, pagkahungkag pag-eekobrik ko'y pagmumukmok, di mapanatag nilabhan ay kaytagal matuyo, nababagabag sa bawat tilamsik ng mantika'y di makasalag pinupulikat dahil sagad sa buto ang lamig kaya tuwing madaling araw, binti'y namimitig habang nasa isip ang lamlam ng bawat mong titig pati indayog ng tinig mo'y kaysarap marinig ngiti ko'y masisilayan mo sa bawat umaga nasa silong at ang sahig ay lilinisin muna kukusutin, sasabunin ang naroong labada magbabanlaw, maliligo, maghihilod tuwina subalit pare-pareho na lang ang bawat araw nais ko nang hilahin ang bawat gabing kaypanglaw damit ko'y nais kong baligtarin, baka naligaw sa matematikang sinusuri'y tila lumabnaw narito nga't nasasaloob ko'y nais ilabas habang pinagmamasdan ang gumapang na

Pag nahalal ka

pag binigyan ka ng pambihirang pagkakataon na mahalal ng kasapian sa isang posisyon huwag mo itong pabayaan, huwag maglimayon kundi gampanan mong mabuti ang tungkuling iyon mabuhay ka't nahalal ka sa posisyong iyan tandang mayroon kang karapatan sa pamunuan kinilala ng marami ang iyong kakayahan lalo na't di ka paslit na basta aayaw na lang pagtangan mo sa tungkulin ay iyong pagbutihin ang posisyon mo'y pag-aralan, anong dapat gawin kung may problema man, kolektibo itong lutasin huwag basta kakalas dahil lang may suliranin gago ka kung magre-resign ka lang, putanginamo sana noong una pa'y di mo na tinanggap ito sana noong una'y di ka na nagpahalal dito maliban kung nadisgrasya't di makapagtrabaho di basta-basta ang oportunidad na maboto huwag mong balewalain ang desisyon ng tao tinanggap mo na ang posisyon, pahalagahan mo gampanan mong husay hanggang matapos ang termino - gregoriovbituinjr.

Balintuna

Imahe
Balintuna noon at ngayon, may tinutumba dahil sa tokhang maraming natutuwa sa ginagawa ng halang ngunit nang minamahal na nila ang tumimbuwang sila'y dagling napoot, buhay daw ay di ginalang - gregoriovbituinjr.

Noon

noon nga'y sinisipat-sipat ko ang isang buko habang nangangati nang kalabitin ang gatilyo ngunit aba'y sayang naman ang pinupuntirya ko baka may tubig pa yaong titighaw sa uhaw ko noon, binubutingting ko't nililinis mabuti ang loob ng kwarenta'y singko at mahabang riple habang may kwarenta pesos na nilagang kamote na kinukukot, huwag lamang uutot sa tabi noon nga'y maraming nababalitang agaw-armas na ginagamit marahil ng iba sa pag-utas habang ako naman ay namimitas ng bayabas tila mas masarap ang sinigwelas kaysa ubas noon, hinihimas-himas ko yaong eskopeta nakatingala sa langit, may dumaang kometa dahil sa kamote, ako'y nagtungo sa kubeta maya-maya'y uminom na rin ng isang tableta - gregoriovbituinjr.

Ako'y kawal-mandirigma ng kilusang paggawa

ako'y kawal-mandirigma ng kilusang paggawa sa isang kawal, una lagi'y tungkuling panata tulad sa sundalo, una ang sinumpaang bansa tungkulin ko'y dapat tupdin bilang mapagpalaya kaya anong ginagawa ko sa malayong pook? na sa kwarantina'y mag-ekobrik lang at magmukmok? bilang kawal ng hukbong mapagpalaya'y kalahok upang ilagay ang uring manggagawa sa tuktok iyan sa higit dalawa't kalahating dekada kong pagkilos kasama ang dukha, obrero't masa misyon sa kauri'y mag-organisa't magdepensa upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya kaya dapat gampanang husay ang aking tungkulin balikan ang kolektibo't ang mithi'y sariwain upang katungkulan ay tuluyan pang paghusayin at pagdepensa sa aping masa'y tiyaking tupdin - gregoriovbituinjr.

Bilang halal na sekretaryo heneral

nananatili pa akong sekretaryo heneral pinunong mayorya ng kasapian ang naghalal isa ring tungkulin ko ang pagiging paralegal ngunit iniiwan ang pinamumunuan, hangal tama ba para sa hinalal ang ganitong asal? tatawanan ako pag ganito ang kaasalan na sa aking pagkatao'y masamang marka naman baka di na nila ako pa'y pagkatiwalaan pagkat mismong tungkulin ko'y aking pinabayaan pag ganito na, sa pagkatao ko'y kahihiyan dahil ako'y halal, dapat ko lamang pangunahan ang kasapian sa mga gawain, katungkulan, isyu'y pag-usapan, misyon ay isakatuparan ang tungkulin ko'y dapat tapat kong ginagampanan ang prinsipyong tinanganan ay dapat panindigan bagamat di ako nagpabaya sa ating dyaryo dapat pa ring asikasuhin ang maraming kaso kaya sa mga kasapi, ako'y hintayin ninyo di umaatras sa nakaatang na tungkulin ko gumagawa lang ng paraang makabalik ako bilang inyong hinalal na sekretaryo heneral at sa aking pinagsanayan bilang paralegal kung di ko magagampanan ang tungk

Pagbalik sa dating ako

pinuntahan ko ang Baguio, walang bus sa terminal nais kong umalis ngunit walang bus sa terminal bakit nais ng tadhanang ako rito'y magtagal pag nanatili pa rito'y baka magpatiwakal puntahan lamang ito ng turistang namamasyal kung di ka tagarito, baka di ka rin tumagal iba ang wika, payapang-payapa, amoy banal akong tambay ng Quiapo'y tila isang pusakal bawal mag-kompyuter ang manunulat na tulad ko sayang daw ang kuryente't wala rin daw sweldo rito tingin pa'y pulos pesbuk lang daw imbes magtrabaho pati pag-eekobrik ko sa silong pa'y punado umagang gigising, maglalaba, maglalampaso sa hapon, magsasaing, magluluto, magpiprito sa gabi'y tinitiyak na malinis ang lababo ginagawa ang dapat sa araw ko't gabi rito subalit sadyang iba na ang aking pakiramdam kaya nais ko na talagang dito'y magpaalam pakitungo naman nila sa akin ay kay-inam ngunit puso ko'y wala rito, ako'y nagdaramdam nais kong bumalik sa lungsod, doon sa Ango

Ako'y isang dalagang ina

ako'y isang dalagang ina, narito't tulala kwento ko sana'y unawain habang lumuluha sa gitna ng pagdurusa'y nabuntis akong bigla pagkat tatlong lalaki noon yaong gumahasa di ko malaman bakit iyon sa akin nangyari bakit sa pagdurusa't ngitngit ako na'y sakbibi sino bang sisisihin ko, ang akin bang sarili? gayong di ako mababang lipad na kalapati doon nga sa restoran kong pinagtatrabahuhan ay maraming nanliligaw, mahirap at mayaman may nabasted din ako, mayroong nagalit naman hanggang may tumangay sa akin, ako'y piniringan nagpipiglas ako subalit ako'y pinagsuntok sa tiyan, ginahasa ako't tuluyang nalugmok ang puri ko'y winasak ng mga hayok na hayok sayang-saya pa silang sa loob ko'y nagpaputok ilang araw at buwan ang lumipas ay buntis din hanggang sa isilang ang batang di sana sa akin wala akong magawa, pabayaan siya'y krimen tanging nagawa'y sigaw: hustisya para sa akin! - gregoriovbituinjr.

Pagtahan sa libingan

ang kinalalagyan ko ngayon ay isang libingan payapang-payapa, pulos na lang katahimikan isang palamunin at pabigat lang sa tahanan dapat ko nang bumalik sa pagsisilbi sa bayan nakakulong lang ako sa payapang sementeryo kunwari na lang ang ngiti't tuwang nadarama ko ang esensya ng buhay na hanap ko'y wala rito lalo't tibak akong mayroong adhika't prinsipyo para na lang ako ritong naaagnas na bangkay pag tumagal pa rito'y baka na magpakamatay ang kwarantinang ito sa utak ko'y sumisinsay pinapalakol ang ulo kong di na mapalagay kain, tulog, mag-ekobrik, palamunin, pabigat walang karamay, walang kausap, sa kita'y salat wala ring magpayo mula sa kolektibong mulat baka di pa tapos ang taon, buhay ko'y masilat bilang makatang tapat sa pagtula'y aking hiling ilibing akong ang kasama'y Alagad ng Sining sa sementeryo ng Angono nais kong malibing dalawang Alagad ng Sining doon makapiling - gregoriovbituinjr.

Ako'y parusahan kung nagtaksil

kahit magtinda ako rito ng kung anu-ano hungkag ang buhay kahit dito makapagtrabaho hungkag ang buhay dito, iyon ang nadarama ko pagkat di na ako ang ako, oo, dating ako tulad ko'y isang mandirigmang wala sa labanan habang mga kasama'y nangangamatay sa laban ramdam kong sa matinding digmaan ako'y nang-iwan gayong dapat laban ay aking pinangungunahan sekretaryo heneral? nang-iiwan ng kasama? ang dapat sa mga tulad ko'y magpakamatay na! sayang ang pakikibakang halos tatlong dekada kung mauwi lang sa wala! ako ba'y inutil na? dapat umuwi sa pinagsilbihang sambayanan lalo't retirement sa tulad ko'y isang kaululan di pa nananalo ang rebo'y agad kong iiwan? sa ginawa kong ito, nais kong maparusahan! pagkat di ako traydor, ayokong tawaging taksil bala sa ulo'y sapat upang buhay ko'y makitil ito ang kahilingan ko kung ako'y isang taksil gawin akong halimbawa upang iba'y masupil - gregoriovbituinjr.

Matagal na akong patay

matagal na akong patay, ngayon lang napagnilay mula nang mapadpad sa lugar na ito na'y patay di na ako ang dating ako noong nabubuhay tila sa sementeryong tahimik na nakahimlay patay na pala ako, ngayon ko lang napag-isip kaya pala aking dibdib ay laging nagsisikip sa anim na buwang lockdown, di ko lubos malirip na narito pa rin akong tila nananaginip ako pala'y patay na, ngayon nga'y napagtanto ko di na ako ang ako pagkat kayraming nagbago nasa isang lugar akong animo'y sementeryo payapang-payapa, di nababagay sa tulad ko lalo't ako'y aktibistang dapat nasa labanan nag-oorganisa ng dukha't kapwa mamamayan bakit ba ako napadpad sa payapang kulungan kung tatagal pa rito'y isa itong kamatayan di na ako ang ako kung dito'y mananatili sa sementeryong buhay kong sadyang nakamumuhi uuwi ako sa sambayanan, sa aking uri at doon ay sumigla at mabuhay na mag-uli - gregoriovbituinjr.

Liham

Imahe
Liham sinta ko't aking katalamitam natanggap mo ba ang aking liham sa iyo'y nais kong ipaalam ang tulang nilikha kong kay-inam kung hindi pa'y bakit magdaramdam ang pusong pagsinta'y di maparam baka sa koreo pa'y nabalam ngunit ako'y walang agam-agam sana sa koreo'y di masamsam sino bang sa tula ko'y kakamkam nagmamakata kahit di paham sana tula ko'y di mauuyam tula'y tunghayan mo'y aking asam tulang pag binasa'y kaylinamnam tulang sa tamis ay nilalanggam kung mainit man ay maligamgam - gregoriovbituinjr.

Basura

Imahe
Basura masdan mo't kayrami pa ring nagtatapon sa kalye wala bang naninita kaya sila'y nawiwili? kung di mo kayang maglinis, huwag ka nang magdumi di ba't ganitong panuntunan ay napakasimple? itapon mo ang basura mo sa tamang tapunan ibulsa muna kung walang makitang basurahan di ba't ang mundo o bansang ito'y ating tahanan? bakit mo naaatim na tahanan mo'y dumihan? bakit simpleng disiplina'y di mo pa rin magawa para kang dagang anong saya nang wala ang pusa subukan mo kayang maging magandang halimbawa na mga basura mo'y binubukod mo pang tama ang nabubulok sa hindi'y iyong paghiwalayin maeekobrik mo pa ang plastik na iipunin ang papel ay maaaring ibenta't kikita rin nabubulok ay ibaon sa lupa't pataba rin iresiklo mo ang basurang kayang maresiklo may karatula pa ngang "Basura mo, linisin mo!" at mayroon ding paalalang "Tapat ko, linis ko!" mga simpleng payo lamang ito't kayang kaya mo - gregoriovbituinjr.

Pagpupugay sa kapwa organisador

ako'y isang organisador saanman mapadpad itinataguyod ang layon at sistemang hangad sa misyong ito'y dapat may tikas at abilidad prinsipyong yakap mo sa masa'y iyong ilalahad ikinakampanya'y isang makataong lipunan kung saan walang pagsasamantala't kaapihan inaalam ang mga problema't isyu ng bayan kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan hangarin ng organisador ay pagkakaisa at pagkapitbisig ng di lang isa o dalawa kundi ng libu-libo, kundi man ng milyong masa upang tuluyang baguhin ang bulok na sistema yakap niya ang prinsipyo ng uring manggagawa at tungkulin nito bilang hukbong mapagpalaya alay ng organisador ang buhay, puso't diwa tungo sa pagdurog sa mga ganid na kuhila mabuhay kayong mga organisador ng bayan nagsasakripisyo sa adhikang may katuturan kumikilos upang bulok na sistema'y palitan at makamit ng bayan ang hustisyang panlipunan - gregoriovbituinjr.

Pagkaburyong

dahil sa kwarantina'y para akong nakakulong nadarama lagi'y pagkainis at pagkaburyong ang nais ko na'y makalaya sa kulungang iyon baka di kayanin, magpatiwakal lang paglaon walang trabaho, walang kita, isang palamunin ayokong maging pabigat lang, sarili'y lupigin di sapat ang ekobrik at Taliba kong tungkulin sa lugar na kinasadlakang tila dayuhan din dapat salita sa lugar na ito'y kabisado dahil pagtatawanan ka pag di mo alam ito dahil sa wika'y di ako matanggap sa trabaho gayong kahit mabigat, trabaho'y papasukin ko sa lugar na ito'y kayang makipagsapalaran ang di ko kaya'y maturingang isang pabigat lang kaya mga susunod kong hakbang ay pag-isipan magtagal pa rito, magbakasakali, lumisan? upang di tuluyang mabaliw, dapat nang magpasya lalayo ako sa lugar na di ako kilala na kinapadparan ko dahil sa aking asawa ayokong maging pabigat, lalo't dama na'y dusa madalas nga'y di na ako kakain ng hapunan sapat na ang ka

Bakit dapat malinis at tuyo ang ekobrik?

Imahe
Bakit dapat malinis at tuyo ang ekobrik? natirang sarsa sa balutang plastik ay kaytindi kaya hugasan at tanggalin ang basurang kayrami at patuyuin itong nalutan ng ispageti upang iekobrik, ito ang aking sinasabi imbes itapon sa basura'y gupit-gupitin ang malinis at tuyong plastik nating sisiksikin sa boteng plastik na dapat tuyo't malinis man din bakit dapat tuyo't malinis? aking sasagutin kung may tira-tirang kanin, latak, amag o sarsa doon sa ekobrik, may mabubuhay na bakterya paano kung ekobrik ay ginawang istraktura tulad halimbawa'y plano nating silyang panlaba ekobrik mo'y gawing brick na sadyang patitigasin pulos plastik ang laman, walang bato o buhangin upang maging silya, pitong ekobrik pagdikitin ng silicon sealant na sa dugtungan, kaytibay din kung may bakterya, silya mo'y madaling masisira unti-unti nilang sisirain ang iyong gawa baka sa paglalaba mo'y mabigatan, magiba masasaktan ka o kaya'y pag naupo ang bata kung

Huwag mag-lie low! Tuloy ang laban!

"Huwag mag-lie low! Tuloy ang laban!" lagi kong sabi sa mga kasama at bilin na rin sa sarili di pa tapos ang pakikibaka sa mga imbi di pa nabago ang sistema't marami pang api sa salitang "lie-low", iniba ko ang kahulugan di lang ito pagtigil sa pagsisilbi sa bayan dahil may bagong buhay na't pinagkaabalahan lie low na'y huling pugto ng hininga, kamatayan kaya lie low ay wala sa aking bokabularyo na tingin ko na'y kamatayan ang katumbas nito titigil sa pagkilos gayong di pa nananalo? titigil sa pagkilos? nasaan na ang prinsipyo? magreretiro lang ako sa araw na mamatay magla-lie low lang ako pag napugto na ang buhay patuloy akong kikilos hanggang kamtin ang pakay simpleng tibak man ako'y makikibaka pang tunay - gregoriovbituinjr.

Ang Libog, Albay pala noon ay hindi ang Libon, Albay ngayon

Imahe
ANG LIBOG, ALBAY PALA NOON AY HINDI ANG LIBON, ALBAY NGAYON Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Para akong nabunutan ng tinik, dahil natagpuan ko ang isang bagay na dapat mabatid sa kasaysayan, dahil sinabihan ako ng mali noon, na ngayon ay tama pala. Sa saliksik ko noon na pinamagatan kong "Ang limang anak ni Gat Andres Bonifacio", ay nabanggit ko ang Libog, Albay, na sinipi ko para sa artikulo. Ayon sa pahina 4 ng aklat na "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan", ni Jose P. Santos,  "Noong 1894 o 1895, si Andres Bonifacio ay nagtungo sa Libog, Albay, kasama ang mananaysay na Amerikanong si John Foreman na isa sa kanyang matalik na kaibigan at kapalagayang loob. Sinasabi ni Dr. Jose P. Bantug na siya kong pinagkakautangan ng mga ulat na ito, na si Andres Bonifacio ay nagkaroon doon ng kasintahan na nagngangalang Genoveva Bololoy at dito'y nagkaroon siya ng isang anak na babae na pinanganlang Francisca." Nagtungo si Bonifacio sa Libog, Albay, a

Mga hagip sa balintataw

minsan, di mo mapagtanto ano bang dapat gawin pagkat kung anu-ano ang mga alalahanin ang sumagasa sa diwang di kayang sawatain ng sinumang anyubog na nais akong bakbakin animo'y may karibal sa inaasam kong mutya at naroong nagluluksuhan sa aking haraya tigib ng pagsuyong hinarana ko ang diwata ngunit may iba ngang pinupukol ako ng kutya kaya iniisip ko na lang gumawa ng wasto upang wala namang makaaway kahit na sino lalo't itinataguyod ko'y pagpapakatao at pagtayo ng sistemang tunay ang pagbabago tatag ko'y hinango sa Kartilya ng Katipunan at halimbawa rin ng dakilang kabayanihan ng mga bayaning ang dugo'y tumigis sa bayan dahil ipinaglaban ang tunay na kalayaan - gregoriovbituinjr.

Ang tindig ng tibak-kalikasan

kung ako ba'y basurero'y may kaibigang tunay? o pandidirihan ang tulad kong animo'y bangkay? wala na bang dangal kung sa kalikasan inalay? ang iwing buhay pagkat dito na nagpakahusay? nag-isip ako ng rason sa aking ginagawi na magkalat ng basura'y mali't nakamumuhi environmental activism ang tanim kong binhi sa puso't diwa ng kababayan at di kalahi maraming tulad ko saanmang panig ng daigdig at sa kanila ako'y nakikipagkapitbisig di man sila kaibigan, kakilala, kaniig ngunit sa misyon at prinsipyo, sila'y kapanalig "Walang Planet B!", daigdig natin ay alagaan "Walang Planet B!" ang tindig ng tibak-kalikasan environmental activism ang paninindigan para sa kasalukuyan at sa kinabukasan - gregoriovbituinjr.

Hibik ng makatang magbabasura

bagamat ngayon ako'y lagalag na basurero habang nasa kwarantinang walang kita't trabaho naggugupit ng plastik upang iekobrik ito nagsisipag pa gayong wala namang pera rito bagamat abala rin sa iba pang ginagawa tulad ng pag-atupag sa pahayagang Taliba na dalawang beses isang buwan nalalathala pagkat sa pagsusulat naroon ang puso't diwa gagawa ng tula, kwento, sanaysay, at ekobrik sipag ko'y kita nilang araw-gabi nagsisiksik sa boteng plastik ng pinaggupit-gupit kong plastik na ang tanging pahinga'y ang pagtangan sa panitik ganyan ang buhay nitong makatang magbabasura kaya laging abala sa panahong kwarantina kung makakawala lang sa lockdown ay gagawin na at nang makahanap naman ng trabaho pang iba magkatrabaho sana ang basurerong lagalag trabahong may sahod upang sa pamilya'y may ambag datapwat ngayon ay sa ekobrik pa nagsisipag at sa kwaderno'y nagsusulat, di pa rin panatag - gregoriovbituinjr.

Madaling araw naga-upload ng akda sa blog

malakas kasi ang wi-fi tuwing madaling araw kaya pinipilit gumising kahit na maginaw titipain na lang ang akdang sinulat sa araw sa aking kwadernong lagakan ng tula't pananaw kailangang ilagay sa blog upang di mawala ang katha kung halimbawang kompyuter ay masira upang maibahagi na rin sa kapwa ang akda na nakatha habang sa langit ay nakatunganga isinusulat ko na ang parirala't taludtod na nahahagilap sa mga patak sa alulod habang may nginunguyang pampatibay din ng tuhod kahit na sa kaeekobrik, nadarama'y pagod ganyan talaga ang buhay niring makatang tibak nagninilay upang maghimagsik ang hinahamak na dukha't manggagawang gumagapang na sa lusak sa panahon ng pandemyang ang gutom na'y palasak - gregoriovbituinjr.

Pagninilay sa madaling araw

maraming nasayang na panahon kung ninilayin sana'y nakatapos ako ng maraming sulatin madaling araw kadalasang nagsusulat man din pagkat sa buong maghapon ay may ibang gawain di makapagtipa sa kompyuter kundi gabi lang o sa madaling araw na ako'y gigising naman ngunit sulit ang umaga't may kwadernong sulatan doon ko tinatala ang anumang karanasan baka masabon ding pulos kompyuter ang kaharap gayong wala raw kita roon, pera ang hagilap dagdag gastos pa sa kuryente gayong naghihirap walang trabaho, walang ambag na kanilang hanap ganyan ang pakiramdam sa panahong kwarantina umaga'y mag-eekobrik ng plastik na basura sa hapon, magsusulat, haharapin ang labada alas-syete o alas otso ng gabi'y tulog na gigising ng alas-dose ng gabi't magtitipa sa kompyuter, tutulog ng alauna, simula muli ng alas tres o alas kwatro ng inaakda hanggang mag-umaga na saka lalabas ng lungga gayunman, dapat igalang ang kanilang pananaw gagawin ko na lang ang akda sa madaling araw mahalaga'

Makakalikasang misyon ang pageekobrik

Imahe
parami ng parami ang mga basurang plastik wala bang katapusan ang paglalambing ng lintik kaya ako'y patuloy pa rin sa pageekobrik di rin ito matatapos hangga't may isisiksik di dapat natitigil kaya dapat may gumawa lalo't pagsagip sa kalikasan yaring adhika kayhirap ding mag-ekobrik, baka di ka matuwa ang misyong ito'y dapat nasa iyong puso't diwa ang pag-eekobrik ko'y di pampalipas-oras lang ayoko kasing pulos salita ng salita lang nais kong makitang may ginawa't pinagpawisan may produktong ekobrik na sadyang pinagsikapan plastik lang iyan, basura, bakit mo iniipon tanong ng isa sa kabaliwan ko raw na iyon ngunit kung sa laot, mga plastik na'y nilalamon mabuting na-eekobrik, ito na'y aking misyon - gregoriovbituinjr.

Nagkalintog dahil sa gunting

Imahe
madalas ding kasama ang lintog sa sakripisyo dahil sa pagkadikit ng gunting sa daliri ko habang nageekobrik, gupit doon, gupit dito upang nagupit sa bote'y maisiksik ng todo maglintog man sa daliri'y patuloy sa paggawa na para sa kalikasan animo'y mandirigma na sa labanan anumang sugat ay balewala nasa gitna man ng sagupaang di humuhupa tumalima agad nang kalikasan na'y humibik mga isda raw sa laot, kinakain na'y plastik kanal na'y nagbabara't lansangan na'y nagpuputik kaya heto't kinakampanyang tayo'y magekobrik magkalipak man sa palad sa pag-ekobrik niyon magkalintog man sa daliri sa gawaing iyon balewala ang sugat basta't makamit ang layon na para sa kalikasan ay gagawin ang misyon - gregoriovbituinjr. *  lintog  - tagalog-Batangas sa paltos *  lipak  - tagalog-Batangas sa kalyo

Ilang tanaga sa pagkilos

1 paano maghimagsik laban sa laksang switik dukha'y dapat umimik huwag patumpik-tumpik 2 sabik ang lumaban itaob ang gahaman palitan ang lipunan at magsilbi sa bayan 3 panlipunang hustisya ang pangarap tuwina kaya nakikibaka para sa dukha't masa 4 mabuhay ang obrero nakibakang totoo misyon ay sosyalismo para sa ating mundo 5 halina't magsikilos mga kapwa hikahos at palayaing lubos ang bayang binusabos 6 babae'y minamahal di dapat binubuntal di dapat sinasakal ng taong nagmamahal 7 pag dukha’y hinahamak ay gawaing di tumpak pag ang lider ay tunggak ay dapat lang ibagsak - gregoriovbituinjr. *  tanaga  - katutubong tulang may pitong pantig bawat taludtod * Unang nalathala sa pahayagang  Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Setyembre 1-15, 2020, pahina 20

Pagsama sa petisyon

Imahe
Pagsama sa petisyon isang karangalan ang makasama sa petisyon laban sa Anti-Terror Act na sadyang lumalamon sa karapatan at dignidad ng bayang hinamon animo'y balaraw itong sa likod nakabaon buhay at dangal ay itinaya, naninindigan nang tayo'y magkaroon ng makataong lipunan sa batas kasi'y pag lumaban sa pamahalaan kahit hindi terorista'y tiyak aakusahan pag nagrali ka para sa karapatang pantao pag nagpahayag ng saloobin sa gobyerno pag may taliwas ka mang opinyon o kuro-kuro baka hulihin ka't kalaban ang turing sa iyo lipunang makatao'y hangad kaya aktibista lumalaban sa mapang-api't mapagsamantala kakampi'y manggagawa't dukha, karaniwang masa nakikibaka para sa panlipunang hustisya kasapi ng United Against Torture Coalition hangad kong minsan ay maidepensa ang petisyon sa korte, at magpapaliwanag ng mahinahon at husgado'y makumbinsi sa katumpakan niyon maraming salamat sa pagkakataong binigay ako'y naritong sa mga kasama'y nagpupugay ka

Pagpupugay sa ika-27 anibersaryo ng BMP

Imahe
Pagpupugay sa ika-27 anibersaryo ng BMP ako'y nagpupugay sa mga kasaping obrero, kasaping samahan, staff, at pamunuan nito ng ating Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa pangdalawampu't pito nitong anibersaryo nakikibakang tunay bilang uring manggagawa marubdob ang misyon bilang hukbong mapagpalaya sadyang matatag sa pagharap sa anumang sigwa lalo na't bulok na sistema ang sinasagupa pangarap itayo'y isang makataong lipunan nilalabanan ang mapagsamantala't gahaman nakikibaka para sa hustisyang panlipunan hangad ay pantay na kalagayan sa daigdigan ninanasa'y isang lipunang walang mga uri wala ring elitista, asendero't naghahari isang lipunang walang pribadong pagmamay-ari magkasangga ang manggagawa, anuman ang lahi kaya hanggang kamatayan, ako'y inyong kakampi lalo't kayo'y kasangga ko sa labanang kayrami di pagagapi, kalagayan man ay anong tindi tuloy ang laban, sa pakikibaka'y magpursigi ako'y taaskamao't taospusong nagpupugay sa B.M.

Dedikasyon sa palaisipan

Imahe
sa palaisipan ko'y may dedikasyon si misis aba'y kanya palang batid ang libangan kong nais heto't sumasagot, nawala ang buryong at inis dahil sa munting regalong ikinatuwang labis walang ma-download na palaisipan sa internet na libangan sanang lalaruing paulit-ulit pulos sudoku't math games ang sinasagutang pilit na na-download sa selpon, tila nasa pagsusulit lagi kasing nag-iisip, nakakunot ang noo sinusulat kasi'y nobelang nasa diwang ito di pa maisulat sa papel, nagmumuning todo magsagot ng palaisipan, mag-relaks din tayo may dedikasyon sa palaisipan at pamilya sinasagutan ang katanungan ng bawat isa upang makaraos pa rin sa buhay sa tuwina magkunot man minsan ng noo, sa puso'y may saya salamat sa palaisipang bigay ng aking ex habang kumakatha ng tulang ginagawa sa text matapos ang gawang mabigat, magpa-petiks-petiks at sagutin itong palaisipang bigay ni ex - gregoriovbituinjr. * ex means ex-girlfriend * palaisipan - crossword puzzles in Filipino

Pag-iipon ng balutan ng tabletas

Imahe
oo, iniipon ko ang balutan ng tabletas isasama sa plastik na gugupitin ko bukas oo, tama ka, sa ekobrik nga'y di ito ligtas ipapasok sa boteng plastik, ekobrik ang labas kayraming balutan ng tabletas na nakita ko may gamot sa sakit at may bitamina rin dito sayang kung ibasura lang, plastik din naman ito sa ekobrik isama pag ginupit ko nang todo tabletas nga ang iniinom ng mga maysakit na nais malunasan ang katawang nagigipit nais gumaling, kontrahin ang sakit na kaylupit iinom sa tamang oras nang gumaling ding pilit habang ako naman ay iipunin ang balutan ng tabletas bago pa mapunta sa basurahan sabi lang sa kanilang ako'y may paggagamitan iyon pala ito'y ieekobrik kong tuluyan - gregoriovbituinjr.