lapidaryo ~ (1) sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas; (2) artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabas na mahahalagang bato o hiyas [UP Diksiyonaryong Filipino, p. 678]; (3) maaaring sining at tagatipon din ng mahahalagang akda o hiyas ng panitikan
sinusugal ko na nga buhay ko para sa masa bakit aaralin ko pa ang laro sa baraha di pa ba sapat na marunong akong bumalasa bakit aaralin ko pang maglaro ng baraha simple lang ang sagot mo, upang may magawa tayo bakit baraha, pwede namang magbasa ng libro katuwaan lang naman, malay mo, baka manalo e, ano kung manalo, pampatay oras lang ito gamitin natin ang gintong oras kung anong tama baka may maiambag pa tayo sa ating bansa kaysa magbaraha't gumawa upang may magawa pag nauwi sa sugal, baka pamilya'y isangla hayaan mo nang di ako matutong magbaraha baka iwing buhay ko pa ang aking mabalasa baka pag nahasa rito'y hanap-hanapin ko na matututo nang magsugal, pabarya-barya muna pag may nanghamon, aba'y lalaban na sa sugalan taya kung taya, hangga't bulsa'y naritong may laman sa una'y pinadama, kayraming napanalunan sa susunod ay talo na, salapi'y naubusan - gregbituinjr.
BITUKA'T HASANG NG PRITONG ISDA bata pa'y batid ko nang magtanggal ng bituka't hasang ng galunggong ngunit nang tumanda na't tumagal di ko na tinatanggal pa iyon dahil kami'y may alagang pusa bituka't hasang ay piniprito upang ipakain sa alaga dobleng gawain talaga ito pag nagpiprito na ako ngayon ng isda, sinasama'y bituka at hasang upang ang ipalamon sa pusa'y luto, di hilaw, di ba? ginagawa ko na iyong sabay upang tipid na rin sa gastusin iyon man lang sa kanya'y mabigay nang siya'y di magutom sa amin - gregoriovbituinjr. 12.22.2024
ANG KAHALAGAHAN NG TULDIK talagang mahalaga ang gamit ng tuldik na nilalagay sa ibabaw ng patinig upang maunawà ang bigkas ng salitâ at wastong kahuluga'y mabatid ding sadyâ halimbawa sa nailathalang balità: doble ang kahulugan ng "magkakaanak" "magkakaának" kung sila'y magkamag-anak "magkakaanák" kung buntis na ang kabiyak pansinin mo ang tuldik na "á" sa salitâ naroon ang diin ng bigkas ng katagâ upang kahulugan ay agad maunawà bagamat di nagamit doon sa balità saan dapat itapat ang tuldik-pahilis ay dapat batay sa bigkas at kahulugan kaiba sa tuldik-paiwâ at pakupyâ na nararapat lang nating maintindihan - gregoriovbituinjr. 12.31.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 23, 2025, p.2
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento