Pagbabasa't pagkatha

PAGBABASA'T PAGKATHA 

nais kong makakatha't
maghanap ng salitang
lapat, may wastong diwa't
magbasa lagi't sadya

kung magulo ang isip
dibdib ay nagsisikip
wala bang kahulilip
anumang halukipkip

naidlip, nagpantasya't
napabuntong hininga
nagising kapagdaka't
hinanap na'y hustisya

ginawa ng bayani
ay aral sa marami
di na nag-atubili
sa bayan magsisilbi

magbasa-basang lagi
ang layon kong masidhi
pagkat nilulunggati'y
ang makasulat muli

- gregoriovbituinjr.
07.03.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Aba'y igalang ang kababaihan, kahit sa dyip

Marami nang namatay sa sakit, di sa gutom