Tulâ 2 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026
TULÂ 2: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026
tungkulin ko nang ganap na niyakap
ang pinag-usapang Black Friday Protest
na kaisa ang kapwa mahihirap
kumikilos pa rin tuwing Biyernes
nagkakaisa kaming magpatúloy
hangga't walang korap na nananagot
kikilos pa rin kahit kinakapoy
dapat nang may makulong na kurakot
at mahúli ang malalaking isdâ
pati mga buwitre at buwaya
pag-alabin pa ang galit ng madlâ
nang mabago ang bulok na sistema
sarili kong katawan at isipan
ang aking ambag sa mga protesta
laban sa nangurakot at kawatan
sa pondo ng bayan, tanginanila
- gregoriovbituinjr.
01.30.2026

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento