lapidaryo ~ (1) sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas; (2) artesano, mangangalakal, o tagatipon ng mga tabas na mahahalagang bato o hiyas [UP Diksiyonaryong Filipino, p. 678]; (3) maaaring sining at tagatipon din ng mahahalagang akda o hiyas ng panitikan
sinusugal ko na nga buhay ko para sa masa bakit aaralin ko pa ang laro sa baraha di pa ba sapat na marunong akong bumalasa bakit aaralin ko pang maglaro ng baraha simple lang ang sagot mo, upang may magawa tayo bakit baraha, pwede namang magbasa ng libro katuwaan lang naman, malay mo, baka manalo e, ano kung manalo, pampatay oras lang ito gamitin natin ang gintong oras kung anong tama baka may maiambag pa tayo sa ating bansa kaysa magbaraha't gumawa upang may magawa pag nauwi sa sugal, baka pamilya'y isangla hayaan mo nang di ako matutong magbaraha baka iwing buhay ko pa ang aking mabalasa baka pag nahasa rito'y hanap-hanapin ko na matututo nang magsugal, pabarya-barya muna pag may nanghamon, aba'y lalaban na sa sugalan taya kung taya, hangga't bulsa'y naritong may laman sa una'y pinadama, kayraming napanalunan sa susunod ay talo na, salapi'y naubusan - gregbituinjr.
BITUKA'T HASANG NG PRITONG ISDA bata pa'y batid ko nang magtanggal ng bituka't hasang ng galunggong ngunit nang tumanda na't tumagal di ko na tinatanggal pa iyon dahil kami'y may alagang pusa bituka't hasang ay piniprito upang ipakain sa alaga dobleng gawain talaga ito pag nagpiprito na ako ngayon ng isda, sinasama'y bituka at hasang upang ang ipalamon sa pusa'y luto, di hilaw, di ba? ginagawa ko na iyong sabay upang tipid na rin sa gastusin iyon man lang sa kanya'y mabigay nang siya'y di magutom sa amin - gregoriovbituinjr. 12.22.2024
NANG MAWALA ANG AWITAN NG MGA KULIGLIG himbing man, dinig ang awitan ng mga kuliglig tila kaysasaya't walang nadaramang panganib subalit bigla, dumatal ang unos, nangaligkig kaylakas ng sipol ng hangin sa gabing malamig umaga'y iba ang narinig, pagputol ng kahoy habang pakiramdam ko, mga puno'y nananaghoy habang katutubo'y patuloy na itinataboy ng mga tuta ng kapitalistang mapangdenggoy hinahanap ko'y pag-aawitan ng mga ibon sabay sa pagkawala ng puno'y nawala iyon naging maalinsangan na ang bawat kong pagbangon naging mabanas na ang dating masayang kahapon ah, paano ba maililigtas ang kagubatan mula sa tubo't kasakiman ng mga gahaman upang dibdib ng kagubatan ay pagkakitaan habang nasisira naman ang gubat na tahanan sa ngayon, sa tula ko sila maipagtatanggol gayong di ito solusyon sa kanilang hagulgol dahil ang pagtatanggol sa kanila'y may ginugugol panahon, buhay, pawis, dugo, sa kanilang ungol kaya paumanhin kung ito lang ang magagawa ngunit pagbubuti...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento